^

Pang Movies

Toni, walang simpatya kay Andrea?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Toni, walang simpatya kay Andrea?!
Andrea at Toni

Nabasa namin ang mga comment kay Toni Gonzaga sa interview nito kay Andrea Torres sa vlog nitong Toni Talks. Hindi raw nila maramdaman ang empathy ni Toni kay Andrea at may portion pa sa interview na parang hindi na ito nakikinig sa mga sagot ni Andrea sa kanyang mga tanong.

Pati ang damit na suot ni Toni sa interview kay Andrea, pinuna rin dahil sobrang casual at parang hindi sasalang sa camera. Kung itsi-check ang past interviews ni Toni sa ibang episodes, casual ang suot niya at madalas, naka-rubber shoes at minsan, sandals pa ang suot. May time rin na naka-shoes at bestida si Toni, pero wala naman ‘yun sa suot, ang importante maganda at maganda ang feedback sa itinakbo ng interview ni Toni kay Andrea.

May dumepensa naman kay Toni, akala lang daw ng viewers, hindi nakikinig si Toni sa mga sagot ni Andrea. Dala raw ‘yun ng editing ng episode dahil mabilis ang phasing, si Andrea nga raw nagpasalamat kay Toni at sa Toni Talks, ibig sabihin, okay sa kanya ang paggi-guest niya sa vlog ni Toni.

Bumalik na ang sigla 

Bago pa ang interview ni Nelson Canlas kay Tom Rodriguez sa 24 Oras, napanood na namin ang video ni Tom nang maging judge ng Miss Philippines USA na ginawa sa San Diego, California.

Pansin namin, balik na ang sigla sa boses ni Tom sa pagsasalita, balik na rin ang dating tawa, pero makikita rin na pumayat ang mukha nito. O, baka naman dahil lang sa bagong ayos ng buhok at dahil sa kawu-workout.

Nabanggit ni Tom na nami-miss na niya ang showbiz, nami-miss ang umarte at nami-miss ang kanyang fans. May mga binanggit itong projects na kanyang gagawin, hindi lang malinaw kung sa Amerika niya gagawin o dito.

Ang sabi lang, “let’s collaborate.”

Wala ring malinaw na sagot si Tom sa tanong kung kailan siya babalik ng Pilipinas at mukhang magtatagal pa sa Amerika. Sayang dahil maraming projects na ginagawa ngayon ang GMA 7 and for sure, may mga karakter na babagay kay Tom.

Aicelle, nananawagan ng dasal sa kritikal na nanay

Humihingi ng dasal si Aicelle Santos para sa mom niya na nasa hospital ngayon. Sa kanyang post, ipinakita ang hospital room kung nasaan ang kanyang mom, pero medical equipment lang ang ipinasilip.

“Hiling po ako sa inyo ng panalangin para sa aming mommy who’s in critical condition right now. Her name is Leonila Santos.

“Panginoon, dugtungan niyo po ang buhay ni mommy. Isang pagkakataon pa po Lord! With You nothing is impossible,” post ni Aicelle.

Marami agad ang nagpadala ng virtual prayers para sa paggaling ng nanay ni Aicelle.

Jason at Vickie, tradisyunal ang gaganaping kasal

Filipiniana ang theme ng prenuptial shoot ng engaged couple na sina Jason Abalos at Vickie Ruston. Barong Tagalog ang suot ni Jason at Filipiniana gown naman ang suot ni Vickie.

Para kay Jason, paraan nila ni Vickie para ma-promote ang pagsusuot ng traditional na kasuotan ng mga Pinoy sa mga espesyal na okasyon gaya ng kasal.

Patuloy ang wedding preparations nina Jason at Vickie at ayon kay Jason kung metikuloso si Vickie sa lahat ng detalye.

Pati raw concept, si Vickie ang may idea at ang giveaways. ‘Yung nakasulat sa invitation, si Vickie rin ang gumawa.

Hindi nabanggit kung kailan ang kasal at kung saan gagawin.

TONI GONZAGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with