^

Pang Movies

Nanay ni Jane, ‘di inasahan ang nangyari sa anak

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Nanay ni Jane, ‘di inasahan ang nangyari sa anak
Jane

Naging emotional ang ina ng young Kapamilya young star at bida ng seryeng Mars Ravelo’s Darna na si Jane de Leon na si Gng. Maricor Benitez-de Leon nang finally lumabas sa serye ang kanyang anak na naka-Darna costume na.

Siya mismo ay hindi makapaniwala na ang kanyang bunsong anak ay gaganap na Darna, isang Pinoy heroine na sobra niyang hinahangaan since she was young.

Ang pakiramdam ng ina ni Jane ay nananaginip lamang siya dahil hindi niya akalain na darating pala ang araw na anak naman niya ang gaganap sa iconic character ni Mars Ravelo.

Alam ng marami ang pinagdaanang hirap ng pamilya ni Jane magmula nang lokohin ng ibang tao ang negosyo ng kanyang yumaong ama at mawalan ito ng trabaho.

Alhough nakaranas noon si Jane at ang kanyang nakatatandang kapatid na si Francis ng maluwag na pamumuhay nung okey pa ang takbo at kita ng kanilang ama, para umano itong bulang naglaho at sila’y naghirap.

Pero ang lahat ng mga paghihirap ni Jane at ng kanyang pamilya ay nasuklian ng biyaya nang siya’y mabigyan ng pagkakataon na maging bahagi ng Star Magic ng ABS-CBN hanggang dumating ang pagkakataon na siya ang napiling gumanap sa iconic character na Darna na almost two weeks na sa ere.

Nagpapasalamat si Jane, unang-una sa Diyos sa patuloy na biyaya na dumarating sa kanya, sa pamunuan ng ABS-CBN dahil sa tiwala sa kanya, sa kanyang tatlong director na pinamumunuan ng veteran award-winning director na si Chito Roño, ang bumubuo ng cast and production staff at sa viewers.

Dito lalong na-realize ni Jane na hindi siya pinabayaan ng Diyos sa kabila ng hirap na kanyang pinagdaanan maging ng kanyang pamilya hanggang sa pagkawala ng kanyang ama.

Tom, babalik na sa ‘Pinas!

Isang malapit sa Kapuso singer-actor na si Tom Rodriguez ang nagpaabot sa amin ng balita na nakatakda umano nitong bumalik sa Pilipinas upang ipagpatuloy ang kanyang karera lalupa’t may existing contract pa siya with GMA kung saan din nakakontrata ang kanyang (ex) wife na si Carla Abellana.

Ayon sa aming informant, kahit hindi tumagal ang pagsasama bilang mag-asawa nina Tom at Carla, mahal na mahal pa rin ng singer-actor ang kanyang (dating) misis na inasahan niyang hindi magpapa-influence sa mga tao sa kanyang paligid.

Ipinauubaya na lamang ni Tom sa Diyos ang mga pangyayari pero naka­tingin pa rin umano siya sa positibong direksyon ng kanyang buhay maging ng kanyang (dating) misis na si Carla.

Pinabulaanan din ni Tom na nagkaroon siya ng one-night stand sa ibang babae sa gitna ng kanilang relasyon ni Carla. He was always faithful sa kanilang relasyon ng (dating) misis.

JANE DE LEON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with