^

Pang Movies

K-Drama, back-to-back sa GMA!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
K-Drama, back-to-back sa GMA!

Dalawang sikat na Korean dramas The Red Sleeve at About Time ang napapanood ng back-to-back simula noong isang linggo sa GMA Telebabad.

Marami akong naririnig na magagandang review sa  The Red Sleeve na isang historical romance series na base sa real-life events at tumatalakay sa love story ng Hari ng Joseon at isang ordinary court woman na nagtatrabaho sa kanila.

At nanalo pala ito ng maraming award sa South Korea.

Samantalang isang fantasy romance naman ang About Time na kuwento ng isang aspiring actress na may kakayanang makita ang haba ng buhay ng isang nilalang.

‘Di ba ang bobongga ng kuwento.

 Sayang nga at medyo late na itong ipinalalabas. Pero susubukan kong ­panoorin habang nagpapaantok ako. ‘Yan ay kung hindi ako busy sa pano­nood sa iPad ko ng ibang Koreanovela.

K-drama talaga is life kahit na lately ay sira ang schedule ko dahil sa pagpapa-dialysis ko ng twice a week ng apat na oras isang session.

Bongga ang GMA 7.

Calista, mabilis umusad

Bongga si Tyrone na manager ng all-female group na Calista.

Talagang nakaayos na ang plano niya para sa girl group na mina-manage niya.

Kilala ang Calista sa pagiging very professional kaya naman madali silang sumikat.

Isa sa mga fan ng Calista si Gorgy Rula na hangang-hanga sa mga ginagawa ng grupo, at para bang gusto niya na sumali rito kung puwede lang.

Kaya naniniwala ako na talagang sisikat ang grupo at habang nagtatagal ay lalo pang-iingay ang Calista. 

vuukle comment

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with