Paglipad ng Darna ni Jane, pinagkukumpara kina Marian at Angel
Pinag-uusapan ng fans kung sinong Darna ang peg ni Jane de Leon na last Friday ay nagpakita na.
Si Marian Rivera o Angel Locsin?
May nagsasabing more on Marian, pero meron din namang sinasabing si Angel.
But anyway, maganda si Jane sa kanyang Darna costume.
Lutang ang kaseksihan at parang hindi naman lumaki sa hirap tulad sa kanyang kinukuwento sa mga interview.
Bagay sa kanya.
In fact, maging si Anne Curtis ay nagandahan sa kanya. “you look so good Jane!!! Go Darna!!,” comment ni Anne.
Inaasahang magiging ticket to superstardom ni Jane ang Darna.
James, binura na ni nadine sa kanyang alaala
Buradong-burado na raw ni Nadine Lustre ang mga alaala nila ni James Reid sa kanyang Instagram account.
Kaya naman ang die-hard JaDine fans, lumuluha kahapon sa social media. At nag-trending si Nadine.
As in wala nang trace ang ex-boyfriend sa kanyang IG account, ang sentiments ng fans.
Masakit na masakit sa kanila ang nangyari sa JaDine.
Karelasyon ni Nadine sa kasalukuyan ang ng negosyante si Christopher Bariou habang si James ay sinasabing si Nancy McDonie ng Momoland na ang girlfriend ngayon.
Nag-umpisa sa Diary ng Panget ang success ng kanilang tambalan.
Pareho sila noong matagal-tagal na sa showbiz pero hindi sumisikat. Nang gawin silang loveteam ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies sa kabila ng pagkontra ng iba, saka lang sila sumikat.
Nasundan ang Diary ng Panget ng marami pang hit movies and TV projects.
Lovi at Janine nagpakilig, queer na anak nina Shawie at Kiko, magde-debut!
Nagte-trending ang Sleep with Me, na pinagbibidahan nina Janine Gutierrez at Lovi Poe na isang girls’ love (GL) series na kumikiliti sa mga manonood.
Kakalabas lang ng anim na episodes sa iWantTFC pero naging top trending topic agad sa Twitter ang serye.
Higit pa sa tunay na kilig, tinatalakay ng serye ang mga pakikibaka ng mga queer at kung paano sila nag-navigate sa buhay sa isang lipunan na nagpaparamdam sa kanila na parang sila ay mga ‘outcast.’
Ginagampanan ni Lovi si Luna, na naghihirap mula sa isang bihirang sleeping disorder, habang si Janine ay gumaganap bilang Harry, isang napakagandang late-night radio DJ na gumagamit ng wheelchair.
Ang serye, na kamakailan ay nanalo ng audience award para sa best episodic sa LGBTQ+ film festival sa Los Angeles, ay available rin para sa iWantTFC premium subscribers sa labas ng Pilipinas at Indonesia, at sa direksyon ni Samantha Lee, na proud member ng LGBT community.
Samantala, ang ganda ng pictorial ni Miel Pangilinan para sa kanyang 18th birthday.
Isang queer si Miel na daughter nina former Sen. Kiko and Sharon Cuneta.
Gustong ipa-Tuylfo?!
Isumbong ‘yan kay Tulfo at ipa-Tulfo ‘yan.
Ito ang mga komento ng mga naawa sa pumila sa DSWD offices para sa cash assistance ng office ni Department of Social Welfare and Development Sec. Erwin Tulfo.
Kilalang sumbungan ng bayan ang Isumbong Mo Kay Tulfo nung hindi pa senador si now Sen. Raffy Tulfo.
Nagkaroon kasi ng major chaos ang pamimigay ng cash assistance ng DSWD sa mga mahihirap na estudyante para sa nalalapit na pagbabalik ng in-person classes, noong Huwebes, Agosto 18, 2022.
Sinabi ni Sec. Tulfo na P1,000 ang ibibigay sa elementarya, P2,000 sa high school, P3,000 sa senior high school at P4,000 sa kolehiyo o vocational students.
Sinabi niya na ang mga payout ay isasagawa tuwing Sabado hanggang Setyembre 24 sa kanilang central, regional, provincial at satellite offices, na magbubukas ng 7 a.m.
Aniya, maaaring magkaroon ng tatlong benepisyaryo sa bawat pamilya sa pamamagitan ng appointment o walk-in.
Ang mga nais mag-avail ng tulong pinansyal ay dapat magdala ng kopya ng enrollment certificate at school ID ng estudyante.
At pak, dagsa ang mga tao na umaasang makakakuha ng tulong. Naging unruly na at nag-akyatan ang iba sa bakod para makapasok sa main office ng DSWD.
At sa Zamboanga, may mga nasaktan pa.
Sabagay marami talagang kailangan ngayon sa pagbabalik sa eskuwelahan pagkatapos ng mahigit dalawang taon kaya ayun, umasa ang lahat na kahit paano ay magkakaroon sila ng pera.
- Latest