Nora, sasabak agad sa trabaho!  

Nora

Mukhang magaling na si Nora Aunor sa sinasabing naging karamdaman niya.

Nakikita na siya sa mga public function, although nahahalata na medyo mataba pa rin siya.

Dapat namang asahan iyon dahil may edad na rin  siya, at saka hindi talaga fitness enthusiast si Ate Guy kagaya ni Ate Vi kaya ganoon.

Siguro naman, lalo ngayong mara­ming claims na hit ang mga pelikulang Pilipino at nagagawa na nilang punuin ang mga sinehan, bakit wala pang nag-iisip ng project para sa bagong National Artist?
Ano ang halaga ng pagkilala nila sa kahusa­yan ni Nora kung hindi naman siya bibigyan ng trabaho para mapatunayan ang kanyang kakayahan?

Hindi naman problema iyan, in fact sa ngayon mayroon na ngang regulasyon maski na sa mga ibang tanggapan na pabayaang magpatuloy ng trabaho ang mga senior citizen basta makakaya pa niya.
Hindi na nga lang makakakanta si Nora, pero makapagsalita pa naman siya, maaari niyang ituloy ang trabaho bilang artista. Huwag nang singer.

Nasaan na iyong mga nagsasabing handa silang mag-produce ng pelikula basta puwede na si Nora Aunor?

Meron sinabing gagawin niya pero hindi ata ‘yun kalakihang produksyon at ang kuwento, limitado ang magiging budget nito pero diumano’y  sa mga sinehan ipalalabas.

‘Yan ang abangan natin. Tingnan natin ang kalalabasan.

Maid in Malacañang, may follow up na

Pagkatapos ng dalawang political movies na parehong nagsasabing kumita sila, ano naman kaya ang isusunod ng industriya?
May mga tsismis na isa raw trilogy ang Maid in Malacañang, siguro may kuwento rin ang isang driver, o ang isang member ng PSG o kung sino mang kasambahay na maaari nilang isalin pa sa pelikula.
Iyon namang kabila, mukhang walang kilos.

Ang sinasabi ni Direk Joel Lamangan na gagawin niya, mukhang wala ring producer hanggang ngayon.

Mukhang walang kumbinsido sa kita ng pelikula ng oposisyon.
Pero maganda ang nangyari sa dalawang political films na iyan, sumigla ang industriya.

Ma-maintain naman kaya nila, o babalik na ­naman sila sa “indie kumikita?”

Direk, naisahan ng bading na showbiz personality 

Naloka si direk nang marinig niya ang tungkol sa isang bagets na bading na may hinagip daw isang pogi sa isang party place. Naalala kasi ni direk na noong gabi ring iyon niya naka-date ang bagets. Ibig sabihin natanso siya talaga, dahil matapos niyang i-date at bigyan ng datung, ang datung na ibinigay niya ay napunta rin pala sa ibang pogi.

Noong una kasi hindi naniniwala si direk na may mga “gay for pay” o mga bading na nagpapanggap na lalaki para makatanso ng kapwa nila bading, eh ang dami niyan lalo na sa internet. Pogi sa internet, pero “pugita” sa totoong buhay.

Show comments