MANILA, Philippines — Pinangalanan na ang Top 20 hopefuls na uusad sa Solo Round ng ikalawang season ng biggest singing competition ng bansa na Idol Philippines. Hindi nga naging madali ang desisyon para kina Gary Valenciano, Regine Velasquez, Moira dela Torre at Chito Miranda dahil sa ipinakitang performances ng bawat hopeful sa Group Round at Do or Die Round. Sixteen slots na lang kasi ang natitirang pinaglaban ng hopefuls dahil ang apat na platinum holders ay pasok na sa susunod na round.
Sa darating na weekend, susukatin muli ang galing sa pagkanta ng natitirang hopefuls at malalaman na kung sino ang mapapabilang sa Top 12 at mag-a-advance muli sa Live Gala Shows.
Panoorin ang tumitinding kompetisyon sa Idol Philippines na napapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC at TFC IPTV.