^

Pang Movies

Mag-amang Ian at Christopher, nagsigawan sa taping   

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Ikinakatuwa ng aktor na si Ian de Leon na nakasama niya ang kanyang amang si Christopher de Leon sa top-rating primetime series ng GMA na Lolong.

Pero kinuwento ng aktor na noong mag-lock-in taping sila, hirap daw siyang maki-bonding sa ama  sa physical distan­cing dahil sa safety and health protocol sanhi ng COVID-19 pandemic.“Pero siyempre safety protocols. After take, after your scene, you have to go back to the hotel and lock yourself in the room, kasi mataas pa ang cases noong time na ‘yon,” kuwento ni Ian sa Surprise Guest with Pia Archangel podcast.

Nagkaroon naman daw ng pagkakataon si Ian na makasama ang ama tuwing lunch and dinner break, pero magkalayo pa rin daw sila at nagsisigawan na lang daw silang dalawa para magkumustahan.

“Funny nga dahil ‘yung time na ‘yun na nagkaroon kami ng first gathering with everyone sa cast, nasa isang restaurant kami, usually ang restaurant magkakatabi kayo, tapos kumakain kayo sa isang table. Kami hindi.

“Ang nakakatawa roon is per table, isang tao. Tapos ‘yung table na ‘yun, ‘yung next table mo, malayo sa’yo, so hindi kayo magkakatabi. ‘Yung dad ko na-assign doon sa table na malapit sa door. Ako naman sa side na ito kung nasaan ‘yung catering,”

“’Tay, kumusta ka diyan?!’ ‘Okay lang anak! Gutom ka na ba? Kain ka lang.’ ‘Sige po ‘tay sabay na tayo.’ Nagsisigawan kami across the room. Ganoon ka-weird,” natatawang kuwento ni Ian,

Nakuwento rin ni Ian ang pinagdaanan niyang matinding depression for three years. Dahil sa kanyang mental health problem, lumayo raw siya sa kanyang pamilya. Gusto man daw niyang humingi ng tulong, pero ayaw naman daw niyang makipag-usap sa kahit kanino.

Kaya thankful ang aktor sa kanyang misis na si Jennifer Orcine dahil hindi raw ito nawala sa tabi niya at hindi ito sumuko na tulungan siyang malagpasan ang pinakamadilim na bahagi ng buhay niya.

Mga anak ni Ate Vi na sina Carlo at Serena, nag-reunion sa Amerika

Maraming natuwa sa naging reunion sa Amerika ng dalawang anak ni Vilma Santos sa 1998 film na Bata, Bata... Paano Ka Ginawa? na sina Carlo Aquino at Serena Dalrymple.

Gumanap bilang mga anak ng character ni Ate Vi na si Lea Bustamente sina Carlo at Serena bilang sina Ojie at Maya sa pelikula na dinirek ni Chito Rono na hango sa best-selling novel ni Lualhati Bautista.

Kapwa nanalo ng FAMAS, Star, Gawad Urian at Film Academy of the Philippines awards sina Carlo at Serena para sa naturang pelikula.

Bukod sa Bata, Bata..., naging magkapatid din sila sa comedy film series na Ang Tanging Ina na pinagbidahan naman ni Ai-Ai delas Alas.

Nagkita sa Amerika sina Carlo at Serena dahil kasama si Carlo sa concert series ng Star Magic na Beyond The Stars sa New York, San Francisco at Los Angeles. Nataon naman na nasa US si Serena kaya nagkita sila ni Carlo.

Sa IG ay pinost ni Serena ang photo nila ni Carlo mula sa pelikulang Bata, Bata... at nilagyan niya ng caption na: “Akala mo lang wala, pero meron, meron!” na siyang memorable line ni Carlo sa pelikula.

Si Serena ay engaged na sa kanyang boyfriend na si Thomas Bredillet at naka-base sila sa United Kingdom.

CHRISTOPHER DE LEON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with