Cherie, maraming beses natalo sa mga contest nung bata
Isa sa hindi namin makakalimutan na panayam sa pumanaw na aktres na si Ms. Cherie Gil ay ang naranasan daw niyang pagkatalo noong bata pa lang sa isang contest.
Kinuwento ni Cherie na sumali siya noon sa Little Miss Shellane noong five years old siya. Akala raw niya ay siya ang mananalo pero umuwi siyang luhaan. Ang nagwagi raw ng title ay si Jackie Castillejo na naging best friend pa niya.
Noong teenager naman daw siya, nag-audition siya para sa isang musical titled Sinta. Akala rin ni Cherie na siya ang mapipili dahil sikat ang mga magulang niyang sina Eddie Mesa at Rosemarie Gil. Pero hindi siya ang napili para sa role na hinahanap ng producer.
Doon daw na-realize ng aktres na hindi ka dapat mag-expect sa anumang bagay. Kapag may naranasan na rejection, dapat ay iyon ang magpapatibay sa iyo para magtagumpay sa susunod.
Kaya sa ilang roles na ginawa ni Cherie sa pelikula, tumatak ang kanyang pagiging kontrabida at iyon ang kanyang naiwang legacy sa Philippine Cinema. Hinangaan ang kanyang pagiging kontrabida ng maraming aktres kaya siya nabigyan ng titulong La Primera Kontrabida.
Ang pinakasikat na kontrabida role ni Cherie ay bilang si Lavinia Arguelles sa 1985 film na Bituing Walang Ningning kung saan sinabihan niya si Sharon Cuneta ng iconic line na: “You’re nothing but a second-rate, trying hard copycat!”
Naging kontrabida ulit si Cherie kay Sharon sa ilang pang pelikula: Sana’y Wala Nang Wakas, Sa Hirap At Ginhawa, Kailan Sasabihing Mahal Kita, Kahit Wala Ka Na, Bakit Ikaw Pa Rin at Ngayon at Kailanman.
Naging kontrabida rin si Cherie sa ibang aktres tulad nina Janice de Belen (Rosenda), Princess Revilla (Jessa: Blusang Itim 2); Dina Bonnevie (Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili), Gretchen Barretto (Ang Bukas Ay Akin); Vina Morales (Sana’y Ikaw Na Nga), Snooky Serna (Kahit Isumpa Mo Ako), Hilda Koronel (Nagsimula sa Puso), Anjanette Abayari (Darna! Ang Pagbabalik), Carmina Villarroel (Wating), at Zsa Zsa Padilla (Ika-13 Kapitulo).
Sa mga teleserye naman, lumabas ang husay ni Cherie bilang kontrabida sa mga teleserye na May Bukas Pa, Marina, Bituin, Gulong Ng Palad, Pieta, Grazilda, Magic Palayok, Time of My Life, Legacy, Temptation of Wife, The Half Sisters, Dolce Amore, Muling Buksan Ang Puso, Alyas Robin Hood, Onanay at Sirkus.
Tumanggap ng ilang parangal si Cherie mula sa Metro Manila Film Festival (Best Supporting Actress for God Save Me, Imortal and Sugatang Puso); Gawad Urian (Citizen Jake); Star Awards (Citizen Jake) at Madrid International Film Festival (Mana). Naging recipient din si Cherie ng Ani ng Dangal (Harvest of Honor) award by the National Commission for Culture and the Arts (NCCA).
Pumanaw si Cherie sa edad na 59 noong Aug. 5 sa New York.
Mikoy, nagpasilip ng puwet sa glow up video
Ginulat ng Kapuso comedian na si Mikoy Morales ang netizens dahil sa kanyang pa-yummy na video na pinost niya sa Instagram.
Nakiuso si Mikoy sa sikat na “glow up” video sa social media, pero kakaibang twist ang ginawa niya. Makikita sa video na may pasilip na puwet si Mikoy at nilagyan pa niya ng caption ang video na “Ganyan ba yung glow up?”
Marami ang natuwa na mga kaibigan ni Mikoy sa ginawa niyang video dahil alam nilang palabiro ito. Kabilang sa mga naaliw ay sina Jake Vargas, Benjamin Alves, Empress Shuck, Jannio Gibbs, Inah de Belen, Faith da Silva, Janine Gutierrez, Jerald Napoles, Alex Diaz at ilan sa mga kasama niya sa teleserye na Lolong.
Ang ilang netizens naman ay biglang nagkaroon ng interes kay Mikoy dahil malakas raw ang pala ang dating nito at puwede na siyang magpa-sexy. ‘Yun iba ay hinihingan pa si Mikoy ng iba pang pa-yummy video.
Ikinatuwa naman ni Mikoy ang mga comments at ang pagnanasa sa kanya. Manggugulat na lang daw si Mikoy sa susunod niyang pa-yummy video.
PWD, na-offend sa kanta ni Beyonce
Na-offend ang disabled people sa song ni Beyonce na Heated kaya aayusin daw nila ang song para matanggal ang derogatory term na ikinagalit ng marami.
Galing ang song sa kaka-release na new album ni Beyonce na Renaissance.
Ayon sa spokesperson ng singer, ang lyrics na “Spazzin’ on that ass, spazz on that ass” ay papalitan: “The word, not used intentionally in a harmful way, will be replaced.” Ang co-writer ng song ay ang rapper na si Drake.
Ang salitang “spaz” in colloquial sense ay ibig sabihin ay “temporarily losing control” or “acting erratically.” Ayon sa disability campaigners ang naturang word ay nanggaling sa salitang “spastic.”
According to the Centers for Disease Control and Prevention: “spastic or spasticity is a movement disorder involving stiff muscles and awkward movement, suffered by 80 percent of people with cerebral palsy.”
Naging issue rin ang word na spazz sa song ni Lizzo na Grrrls. Pinalitan din ng singer ang lyrics dahil nakatanggap iton ng maraming reklamo.
Sey naman ni Beyonce, wala raw siyang intention ang kanyang album na makasakit ng ibang tao: “Creating the album allowed me a place to dream and to find escape during a scary time for the world. My intention was to create a safe place, a place without judgment. A place to be free of perfectionism and overthinking. A place to scream, release, feel freedom.”
- Latest