^

Pang Movies

Hello Maritesses... Zia, pinakita ang ebidensiya ng asawa

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Pinakita ni Zia Quizon, daughter nina the late Comedy King Dolphy at Zsa Zsa Padilla ang kanyang asawa.

Meron kasing nang-iintriga na baka imaginary husband lang naman ‘yun dahil wala nga silang upload maging si Zsa Zsa na wedding photos nito na ginanap sa Serbia. “proof of husband
“ (now if you will please excuse us— that’s enough internet for a while)
“Thank you to everyone who has been so supportive of our— and all— love.
“See you around,
Mr. and Mrs. Rahul (apparently)”

May mga Marites na kasi ngayong ‘di basta-basta naniniwala. Level up sila. Nasanay na may matibay na proof. Hahaha.

Judy Ann, nagkaroon ng sepanx sa anak

Though maraming takot pa rin hindi lang dahil sa COVID-19 kundi maging sa monkeypox, mas marami naman ang masaya at hindi na online schoo­ling ang nagaganap.

Ang cute ng post ni Judy Ann Santos sa anak nilang si Luna na Grade 1 na at face-to-face na ang klase.

“First day of school for our little bunny.. first day for all of us after 2 1/2 years of online schooling … nakaka sepanx ng sobra!! but.. im happy and excited for all the kids to be able to attend classes with a bit of normalcy.. thank you to all our hardworking teachers , for doing everything to make this happen. Dear God, please bless, guide, protect and look over our children and teachers as we all move forward from this pandemic.”

Sana nga ay talagang maging safe ang mga bata sa eskuwelahan at magtuluy-tuloy na ang lahat.

Tatlong pelikulang tagalog, salpukan

Magbubukas ngayong araw sa mga sinehan ang pelikulang Maid In Malacañang.

Kasabay nito ang pelikulang Katips na nanalo ng major awards sa FAMAS last Saturday. Kaya maraming nagtaka na bakit nanalo na agad ito samantalang ngayon araw pa lang ito ipalalabas sa mas maraming mga sinehan.

Nauna na pala itong pinalabas noong November 2021 sa selected theaters.

Tumutulong sa promo ng pelikula sa social media ang Kakampink stars kaya lakas ng recall nito ngayon.

Sinabi ng director, actor, writer at producer ng pelikula na si Vince Tanada na tungkol ito sa mga pangyayari noong Martial Law.

Inaasahan namang kikita ang kontrobersyal na pelikulang Maid In Malacañang na ngayon pa lang ay nagti-trending ang ending na naglalaro ng mahjong ang character ni ex-President Cory Aquino na ginampanan ni Giselle Sanchez kasama ang ilang mga madre na kinontra ng mga madre sa isang kumalat na statement kahapon sa social media.

“Depicting the nuns as pla­ying mahjong with Cory Aquino is malicious. It would suggest that while the fate of the country was in peril, we could afford to leisurely play games.

“The truth was that we were then praying, fasting, and ma­king other forms of sacrifices for peace in this country and for the people’s choice to prevail,” bahagi ng pahayag ng Prioress of the Carmelites Monastery in Cebu na si Sr. Mary Costillas.

Bukod sa Maid in Malacañang, narinig kong ipalalabas din ang isa pang indie film na Yamashita ngayong Miyerkules.

Kaya malalaman ngayong araw kung magkakainteres na nga ang mga tao na manood ng Tagalog na pelikula. Matagal-tagal na rin ang huling pelikulang Tagalog ang pinilahan sa mga sinehan at masasabing box-office hit.

Ayon sa office ni Sen. Imee Marcos, bahagi ng kikitain ng Maid In Malacañang ay mapupunta sa Nutribun feeding program “to address the increa­singly serious problem of malnutrition in the wake of the pandemic.”

Mga nilindol sa Abra, nahatiran ng tulong ng ABS-CBN Foundation 

 Agad na nakapaghatid ng tulong sa mga Kapamilya sa Abra na naging biktima ng 7 magnitude na lindol noong Hulyo 27 ang ABS-CBN Foundation katuwang ang ABS-CBN News and Public Service. 

 Nasa 550 na pamilya ang nabigyan ng relief packs sa barangay Cabaroan, Velasco, at Bumag­cat sa bayan ng Tayum na malapit sa sentro ng lindol, habang 427 naman na pamilya ang nahatiran ng ayuda sa barangay Cayapa at Bacooc, Lagangilang upang ipadama sa mga taga-Abra na hindi sila nag-iisa. 

 “Salamat din sa inyo at natunugan niyo agad kami at nag-respond kayo,” ani Edwin Solano, Local Disaster Risk Reduction and Management officer sa isang panayam sa TV Patrol.  

Ayon kay Edwin, nakabuo na rin ang LGU ng Tayum ng Incident Command Post para tugunan ang pangangailangan ng mga naapektuhang residente. 

 Pwede ring magpaabot ng tulong sa mga nilindol sa Abra sa pamamagitan ng pag-donate sa GCash. I-tap ang Pay Bills, piliin ang Others, at i-tap ang #GcashGivesBack. Isa ang ABS-CBN Foundation sa mga partner NGO ng GCash na makakatanggap ng mga donasyon.     

ZIA QUIZON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with