Assunta, handa pa ring umarte

Isa nang ganap na Kristiyano ang ‘miracle baby’ ng mag-asawang Jules Ledesma at ang Fil-Italian actress na si Assunta de Rossi na si Fiore Ledesma matapos itong binyagan in Catholic rites last month.

Si Baby Fiore ay isinilang ni Assunta at age 37 sa gitna ng pandemic nung Oct. 23, 2020 after almost two decades of marriage sa businessman at dating politician na si Jules.

Napaka-cute at biba ni Baby Fiore kaya tuwang-tuwa ang parents at iba pang younger siblings ni Assunta na kamakailan lamang dumating sa Pilipinas.

Since kauna-unahang apo si Baby Fiore ng parents ni Assunta, unang pamangkin din ito ng singer, actress at director sister niyang si Alessandra de Rossi.

Masaya si Assunta na muli niyang nakapiling ang kanyang parents at dalawa pang younger sisters na sina Margherita at Isabel Schiavone naka-base sa Italy.

Magmula nang ipagbuntis ng aktres si Baby Fiore ay naka-focus na ngayon ang kanyang attention sa kanyang ‘miracle baby’ pero bukas pa rin naman umano siya sa posibilidad na humarap muli sa kamera if there are good offers and projects para sa kanya.

Maraming Kapamilya, dagsa sa Gala Night ng GMA

Napakarami ring dating Kapamilya stars and talents ang dumalo sa GMA Gala Night na pinangunahan nina John Lloyd Cruz, Bea Alonzo at Maja Salvador. Dumalo rin sa nasabing okasyon sina Albert Martinez, Miles Ocampo, Beauty Gonzalez, Myrtle Sarrosa, Rayver Cruz at iba pa. Naroon din ang mag-asawang Billy Crawford at Coleen Garcia, ang magkasintahang Bianca Manalo at Sen. Win Gatchalian, Cristine Reyes, Xian Lim, Marco Gumabao among others.

Kasama ni Bea Alonzo ang nobyong si Dominic Roque.

Magkakasabay namang dumating ang magkasintahang Maja Salvador at Rambo Nuñez, John Lloyd Cruz at Miles Ocampo.

May bagong tie-up naman ang GMA at Viva Communications kaya visible ngayon sa bakuran ng Kapuso network  ang talents ng Viva tulad nina Xian Lim, Billy Crawford, Christine Reyes, Marco Gallo at iba.

Show comments