^

Pang Movies

Sharon, bumubuti na ang lagay!   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Sharon, bumubuti na ang lagay!                
Sharon

Sa kanyang Instagram post ay nagbigay ng update si Sharon Cuneta tungkol sa kanyang health condition. Nagkasakit kasi siya matapos ang almost one month na Iconic US concert tour nila ni Regine Velasquez kaya naiwan pa siya sa Amerika at nauna nang umuwi sa Pinas ang Asia’s Songbird.

Aniya sa kanyang IG post last week, halos hindi siya makabangon at nasa kama lang siya.

Sa kasalukuyan ay mukhang bumubuti na ang kalagayan niya base sa kanyang post last Sunday. Nakalabas na raw siya ng bahay. Kasama ang kanyang team ay kumain sila sa restaurant at nanood ng sine.

“The other night was my first time out since I got sick. Megateam and I had dinner at one of my favorite restaurants, Gyu-kaku, then watched Top Gun Maverick in the theater!” pagbabahagi ni Mega.

Dapat daw ay si Regine nga ang kasama niya na kumain at manood ng sine pero hindi na nga raw nila nagawa.

“I was missing Nana the whole time because we had planned on doing these two things together (I wanted to take her to Gyu-kaku talaga and we kept talking about watching Top Gun Mav!) but she had flown home na the night before,” aniya na ang tinutukoy na “Nana” ay si Regine.

“Was still feeling a bit weak - til now am not feeling 100% yet - but it was really nice being able to take a walk! Weather was nice,” sey pa ni Sharon.

Ibinalita rin ni Mega na bumili siya ng lotto ticket at siya pa mismo ang pumunta sa store na first time niyang ginawa.

“And I bought a Lotto ticket for the first time ever ako ang nagpunta sa store at pumili ng numbers!” aniya.

MIM, nagtipid sa catering para magkapag-donate sa mga nilindol

Nag-donate ng kalahating milyong piso ang cast and crew ng Maid in Malacañang sa mga nabiktima ng malakas na lindol sa Abra at Ilocos Sur.

Sa halip na gastusin para sa catering sa red-carpet premiere night ng pelikula last week, nagdesisyon si Sen. Imee Marcos at ang produksyon na i-donate na lang ang pera sa mga nawalan ng bahay at nangangailangan ng tulong sa Ilocos Norte.

Bago ganapin ang premiere night ay naglibot si Sen. Imee sa Ilocos at personal niyang nasaksihan ang mga kababayang naapektuhan ng lindol.

“Nagkasundo ang buong cast at crew na i-donate sa mga nasalanta ng lindol ang budget sa catering. Sana ay maunawaan ng mga manonood ang simpleng opening night ng aming pelikula.

“Sapat na sa amin at ng aking pamilya na maipakita ang aming panig ng kwento at kasaysayan,” pahayag ni Sen. Imee.

Mapapanood na ang kontrobersyal na Maid in Malacanang ngayong August 3, 2022 nationwide to be followed by worldwide screenings.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with