Heart at Marian, milyun-milyon ang sinuot sa Gala Night ng GMA
Winner pa rin si Marian Rivera sa ginanap na GMA Thanksgiving Gala Night.
Pareho sila ni Heart Evangelista.
Beautiful is not enough para sa dalawang A-list artists ng Kapuso network.
Si Marian ay suot ang Ralph & Russo gown.
Si Heart ay Ashi Studio gown.
At ang halaga nang i-convert sa Philippine peso ng gown ni Marian, 1, 214, 665.74.
Ang description ng nasabing gown sa editorialist.com ay Black/silver silk pleated-tulle silk ball gown from RALPH & RUSSO featuring pleat detailing, layered details, sleeveless and full-length at worth $21, 943.
Christian Louboutin shoes naman ang sinuot niya na more or less ay P50,000 ang halaga habang ang kanyang suot na alahas ay Chaumet and Dior na milyones din ang presyo.
Iba rin si Marian.
Armani namang ang suot na suit ni Dingdong Dantes.
Saudi Arabian award-winning designer naman ng Ashi Studio, Mohammed Ashi.
Kasama ni Heart ang asawang si Senator Chiz Escudero nang rumampa suot ang mga alahas ng Bvlgari – earring, bracelet and necklace na ayon sa mga nagpresyo ay umabot ng mahigit P13 million.
Sayang kung sana chika ang dalawa, ang gandang kunan na magkasama sila sa isang frame.
Ellen, ayaw pa ring pabuntis
Wala na raw talaga sa plano ni Ellen Adarna-Ramsay ang showbiz.
Mismong ang manager ng misis ni Derek Ramsay ang nagkuwento, si Danel Louise Calixto.
Guesting guesting, ok lang daw, pero hindi full time.
“Regarding showbiz, we don’t have any plans yet. We do have guesting for some TV shows, game shows right now. We’ve been invited to go for Family Feud, The Wall ni Billy Crawford, mga ganon lang but no plans yet on like doing any other shows. But we’re open to do films if we find a good one. Ok naman sila (Ellen and Derek) it’s just that wala pa yung right opportunity for us to do it kaya ngayon lie low muna kami. We’re building our own things.”
Pero may mga offer naman daw pero mas gusto raw ng dating sexy actress na mag-alaga ng anak niyang si Elias.
“We had offer before to do a show na silang dalawa but during pandemic kasi it was so hard for both of them, like Ellen is very hands-on with Elias. During that time na may offer, parang hindi pa kami masyadong open about it because John En Ellen nga just finished that time. We realized na parang mahirap pa rin for them to shoot during pandemic because may anak na si Ellen na inuuwian. So right now, whenever we do something like work-wise, as much as possible kapag nasa kanya si Elias, siya talaga nagpapatulog every single night. Whenever we have shoot like commercial shoot or ad shoot, we always make sure na natatapos siya nang maaga for her to… paliguan si Elias, get him prepared for bed.”
At so far wala pang plano ng pagbubuntis si Ellen dahil sa IUD.
“Of course, it’s in the plan naman. But right now kasi may IUD pa siya so hindi siya immediate na mangyayari.”
Ang intrauterine device (IUD) ay isang maliit na contraceptive device na inilalagay sa matris upang maiwasan ang pagbubuntis.
Nakatuon din daw ngayon si Ellen sa pagbuo ng sarili niyang brand para makatulong na baguhin ang buhay ng ibang tao.
- Latest