Jona, hindi pumasok sa isip na magme-mentor sa mga bata

Jonalyn Viray

MANILA, Philippines — Kamakailan ay nag-trending sa Twitter ang Fearless Diva of the Philippines na si Jona, na ngayon ay kilala na rin bilang isa sa mga jukebosses ng OG videoke game show ng bansa, ­­ang Sing Galing at Sing Galing Kids.

Noong July 21 ay nagkaroon siya ng Jona Fearless Day kung saan nagpa-interview siya sa iba’t ibang radio and TV programs at nagpasaya ng mga listeners and viewers.

Sulit na sulit ang #JonaFearlessDay Media Tour dahil nagsimula ito ng 9:00 a.m. ng umaga at nagpatuloy hanggang 7:00 pm ng gabi.

Sinimulan ni Jona ang araw sa mga interviews niya sa News FM Showbiz Chika Atbp. ng Radyo Singko Davao 101.9, iFM 103.9 Baguio, XFM Philippines (na nag-air simultaneously sa  100.7 XFM Davao Region, 97.9 XFM Davao City, 88.5 XFM Mati City, 98.1 XFM Bayugan City Agusan Del Sur, 96.7 XFM Bacolod City, at 100.7 XFM Iloilo City), MYXclusive, Frontline sa Umaga sa TV5, PEP Live, 91.9 Love Radio Bacolod, Yes the Best 101.1 kasama si DJ Lyka Barista, All Out with Rico at Kayla sa RX 93.1, Julius and Tintin Para Sa Pamilyang Pilipino sa One PH, at Q Radio 105.1 Q PM Crew kasama sina Cholo Dela Cruz at Joelle Yuvienco.

Ipinakilala si Jona bilang pinakabagong jukeboss sa Sing Galing Year 2 noong idinaos ang grand finals ng show noong Marso 2022.

Bukod sa pagiging jukeboss sa regular edition ng Sing Galing, isa jukeboss din siya sa kiddie edition na Sing Galing Kids, na nagsimula nang umere sa TV5 tuwing Sabado ng gabi.

“Hindi pumasok yan sa mind ko before na someday I’ll be mentoring these kids. Pero along the way, I started dreaming to someday be able to give back to aspiring singers who are going through the same path na pinagdaanan ko rin before,” pahayag niya.

Tutukan ang Fearless Diva na si Jona sa kanyang challenging role bilang jukeboss sa Sing Galing regular edition at Sing Galing Kids ng TV5.

Show comments