MANILA, Philippines — Puwede pa ring tumanggap ng project si Tirso Cruz III kahit siya na ang uupong FDCP Chair kapalit ni Liza Di?o-Seguerra. Si Tirso o si Pip kasi ang napili ng GMA-7 na gumanap sa role ni Padre Damaso sa bagong series ng network na Maria Clara at Ibarra.
Hindi sigurado ang production noong una na tatanggapin ni Pip ang offer ng GMA-7 at ang role ni Padre Damaso dahil nga may government position na siya pero inayos nito ang kanyang schedule para tanggapin ang offer.
Nag-story conference na raw last Saturday, July 23 ng series na ididirehe ni Zig Dulay. Bukod kina Dennis Trillo na gaganap na si Crisostomo Ibarra, Julie Anne San Jose at Barbie Forteza sa role nina Maria Clara, kasama rin sa cast si Andrea Torres sa role ni Sisa.
Wala pa raw napili sa gaganap sa mga role nina Crispin at Basilio, so hindi lang si Sisa ang nahahanap sa dalawa niyang anak, pati na rin ang GMA-7.
This July na raw sisimulan ang taping ng big project na ito ng GMA-7 and this year din ang airing.
Speaking of Pip, sinalubong siya ni Liza nang bumisita siya sa FDCP office at nabanggit ni Liza na pormal nang uupong FDCP Chair si Pip.
Aljur, nilalaswa ng followers
Sayang at hindi dumating si Aljur Abrenica sa launching ng juanetworx, pagkakataon na sanang ma-interview siya ng media sa isyung buntis ang girlfriend niyang si AJ Raval (as if naman, magsasalita siya).
May rason kung sakaling dumating si Aljur dahil siya ang bida sa isa sa mga series ng juanetworx na Colonel na tungkol sa life story ni Lt. Col. Jhun Ibay, Jr. na hindi pa yata siya nagsisimulang mag-shoot.
Muli pala naming binisita ang Instagram ni Aljur at nakakaloka ang ibang comment gaya ng kailan daw kaya siya maanakan ni Aljur? May nag-comment pa na matulis talaga si Aljur at ang “Enjoy and celebrating soon to be dad again.”
May mga nag-wish naman na sana binalikan na lang niya si Kylie Padilla kesa nakipag-relas- yon siya kay AJ.
The Clash finalist, napili sa Miss Saigon
In-announce sa All-Out Sundays kahapon na gaganap bilang John Thomas sa Miss Saigon si Garrett Bolden, ang finalist sa Season 1 ng The Clash. Sa Instagram ni Garrett, nabanggit ang excitement niya to be part of Miss Saigon.
“I prayed hard for this, Lord maraming Salamat. I will be joining the cast of Miss
Saigon in Guam. It’s always been a dream of mine to venture into theatre and I know that joining Miss Saigon is one for the books. As a singer, I know that I would grow and learn more as I try new things in this career,” part ng post ni Garrett.
Humihingi ng dasal si Garrett sa kanyang followers na kasama raw sa kanyang journey. Hindi nabanggit kung kailan ang alis ni Garrett at kung hanggang kailan siya sa Guam.