Rabiya, laging binabalikan ang mga hirap ng ina   

Rabiya

Ngayong Monday na magsisimula ang pagiging host si 2020 Miss Universe Philippines Rabiya Mateo sa TiktoClock, ang pinakabagong countdown variety show ng GMA, with co-hosts Pokwang at Kuya Kim Atienza.

Bago iyon nagkaroon muna ng showbiz podcast si Rabiya with Nelson Canlas at doon marami siyang inamin tungkol sa sarili, sa kanyang single-mom at younger brother, Lumaki raw silang parang mga ‘NPA’ or ‘no permanent address,’ na nagri-rent lamang sila at napapalayas kapag hindi makabayad. 

Pero sa kabila ng kahirapang dinaranas, naging positive pa rin si Rabiya sa pananaw niya sa buhay.

“Hindi naman siya traumatic sa akin, pero naaawa ako sa mama ko,” sabi ni Rabiya.  “But that motivates me to work hard and help my family.  Nag-aral ako at naging full-scholar ako sa college, isinabay ko ang pagtatrabaho ko.  Nang mag-graduate akong cum laude, pumunta na ako ng Manila, I need to work para mapag-aral ko ang brother ko, na promise ko sa Mama ko,” pagbabalik-alaala nila ulit.

After niyang mag-compete sa Miss Universe 2020, nag-sign na si Rabiya ng contract as a Sparkle GMA Artist in 2021 at nagsimula siyang umarte at now regular host na sa TikToClock, Monday to Friday, 11:15am before  Eat Bulaga.

Glaiza, tumibay ang relasyon sa mga kakumpetensiya

Nag-post si Glaiza de Castro ng ilang photos nila ng cast members ng Running Man PH, (Mikael Daez, Ruru Madrid, Kokoy de Santos, Angel Guardian, Lexi Gonzales at Buboy Aguilar) na magpapakitang naging solid ang samahan nila ng cast habang nagti-taping sila ng reality show sa South Korea, with a caption na “Always a fun time with this lot.”

Ayon pa kay Glaiza, sinusulit nila ang pamamalagi nila sa bansa kaya todo bonding silang tuwing may free time sila, pagkatapos ng shoot.

Halatang napapatibay ng programa ang samahan ng cast members, hindi kaya maapektuhan ang goal nila para matalo ang isa’t isa sa challenges or focused pa rin sila na patumbahin at ipakita ang galing nila  sa Running Man PH?

Show comments