Iyak nang iyak si Ella Cruz habang iniinterbyu ni Boy Abunda sa The Interviewer Presents Ella Cruz digital show sa YouTube channel ng King of Talk uploaded last Friday.
Sa nasabing panayam ay isa sa pinag-usapan nila ang kontrobersyal na issue kay Ella kung saan ay sinabi nga ng aktres na “history is like chismis” kung saan ay katakut-takot na batikos ang natanggap niya.
Sa simula ay ipinaliwanag ni Ella kung bakit niya nasabi ang “history is like chismis.” Aniya ay tinanong lang naman daw siya kung ano ang kanyang point of view pero hindi raw niya inaasahang lalaki ito nang ganito at pagmumulan ng kontrobersiya.
Paliwanag niya, “marami tayong mga hindi alam sa history na nasa… tama pa rin, nasa libro pa rin ‘yung mga malalaking pangyayari. Pero marami rin tayong mga hindi pa alam.”
When asked kung ano ang natutunan niya sa nangyari, ani Ella ay marami at dito na siya nagsimulang mapaiyak.
Umiiyak niyang sabi, “’yung pinaka-lesson is lumabas ‘yung mga tunay kong kaibigan. Lumabas ‘yung mga hindi. And nakilala ko kung sino po sila. So ‘yun ‘yung pinakamagandang natutunan ko po.
“Another lesson is to be strong, really really strong, and stand for yourself.”
Inamin din ng aktres na labis siyang nasaktan sa mga natanggap na komento ng mga kapwa-artista partikular na si Pokwang na naging nanay pa niya sa serye niya noon na Aryana.
“Hindi ko po inasahan na masasabi n’ya ‘yun. Naging nanay ko po kasi siya even though 10 years ago. Okay lang ‘yung isang tweet pero tatlo po kasi ‘yung nakita ko, eh.
“’Yung pangalawa OA na, below the belt na. Tapos ‘yung isa, ‘yung writer ng Aryana kasagutan n’ya. Naalala ko, binibisita ko pa sila palagi ‘pagka mga breaktime nila, even after the show.
“So, masakit. Masakit po na ‘yung mga taong hindi mo inaasahan, sila pa ‘yung makakapagsalita ng ganyan sa ‘yo,” she said.
Isa rin sa nag-react at nag-tweet ng comment ay si Agot Isidro pero ayon kay Ella, na-appreciate pa raw niya ang sinabi nito kaysa kay Pokwang.
“Nu’ng nakita ko po ‘yung kay Mamang (Pokwang), sabi ko, ‘bakit mas mabuti pa si tita Agot?’ Na parang she’s just trying to save me. Wala siyang sinabing masama. Sinabi lang niya na ‘sana nag-no comment ka na lang. Pero mahal kita,’” ani Ella.
“Wala akong galit, sama ng loob kay Miss Agot. Kasi somehow, na-appreciate ko po, para niya akong pinapayuhan,” pahayag pa ng isa sa bida ng pelikulang Maid in Malacañang.