Sanya, nalampasan ang pagiging ‘Da Who’  

Sanya

Six years ago, kinukuwestiyon ng maraming netizen kung sino ba si Sanya Lopez at bakit binigay sa kanya ang papel na Danaya sa remake ng Encantadia sa GMA?

Si Sanya lang ang baguhan sa apat na Sang’gre na binubuo nina Glaiza de Castro, Kylie Padilla at Gabbi Garcia, kaya naman “da who” si Sanya sa marami.

Inamin ni Sanya na natakot at kinabahan siya noon na baka hindi siya matanggap ng mga manonood dahil basta na lang daw siyang hinelera sa mga malalaki na ang pangalan sa GMA. Pero naging hamon daw iyon sa aktres na husayan ang kanyang pagganap bilang si Danaya at ipakita na tama ang binigay na pagtiwala sa kanya.

Ngayon ay wala nang kumukuwestiyon kay Sanya dahil mas kilala na siya ngayon bilang si Melody ng top-rated teleserye na First Yaya at First Lady.

“Hindi po naging madali ang lahat para sa katulad ko dito sa showbiz. Kailangan po talaga ay may mapatunayan ka sa mga nagdududa sa kakayahan mo. Lagi pong sinasabi noon sa amin ni Kuya Germs (German Moreno), parati kaming maniwala sa sarili namin. Kung pinagdududahan mo raw ang sarili mong kakayahan, sino pa ang maniniwala? Kaya lagi ko pong sinasabi sa sarili ko na ‘Kaya ko ito!’,” sey pa ni Sanya.

Ngayon ay hindi lang aktres si Sanya kundi isa na rin siyang singer. Ni-launch kamakailn ang kanyang kauna-unahang single under GMA Music na Hot Ma­ria Clara. Mapapanood na rin ang kanyang music video kung saan pinamalas ni Sanya kung bakit karapat-dapat siyang tawagin na Hot Maria Clara dahil mala-Jennifer Lopez ang kaseksihan niya.

Sey ni Sanya na binigyan siya ng isang araw lang para mag-prepare sa pag-shoot ng music video. Sa mismong shoot daw niya inaral ang choreography na mabilis niyang nakuha agad.

Fil-Am R&B singer na si H.E.R., bibida sa Beauty and The Beast

Ang Filipino-Ame­rican R&B singer na si H.E.R. ang napiling gumanap na Belle sa 30th anniversary special ng Beauty and the Beast.
Ayon sa report ng Variety, magpe-perform si H.E.R. kasama ang ibang cast ng Beauty and the Beast sa harap ng live audience on Dec. 15. Eere ito sa ABC at na mai-stream on Disney+ on Dec. 16.

Hindi makapaniwala ang Grammy and Oscar winner na siya ang kauna-unahang Filipino Belle.

“I can’t believe I get to be a part of the Beauty and the Beast legacy. The world will see a Black and Filipino Belle! I have always wanted to be a Disney princess, and I get to work with two wonderful directors Hamish Hamilton and my favorite, Jon M. Chu. It is very surreal and I couldn’t be more grateful,” sey pa ng singer.

Show comments