^

Pang Movies

Gretchen, nakaalala

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Gretchen, nakaalala
Gretchen

Bongga, Salve, nabasa ni Rusky na BFF ni Gretchen Barretto na nasa hospital ako.

Tumawag siya at sabi raw ni Gretchen kumustahin ako kung ano ang kalagayan ko.

Bongga ang Gretchen dahil sa gitna ng mga sked niya, nasingit niya pa ang pag-check kung ano ang nabasa niya sa IG, at sosyal ni Rusky dahil nag-call siya agad.

Pero sa totoo lang, talagang humbling experience iyang pagkakasakit. Parang lahat ng ilusyon mo na super duper ok ka, nawala bigla.

‘Yung iniisip mo na kaya mo lahat, biglang nawawala. Isa ka lang palang mahinang nilalang na sumusuko rin sa katawan mo dahil hindi mo kaya.

Lalo na ‘pag panay ang injection sa iyo ng kung anu-anong gamot, parang nakasalalay na ang buhay mo sa kung anong ilagay sa katawan mo.

Paano mo tatakasan ang nararamdaman mo na kawalan ng pag-asa?

Grabe, talagang realization ang lahat.

Thanks, Rusky and Gretchen, for checking, na-appreciate ko.

Salamat din sa lahat ng mga nakakaalala na magpadala ng get well soon gifts na ang iba ay pinamimigay ko rin.

Hahaha.

Basta salamat sa inyong lahat. Feel na feel ko na maraming nagmamahal sa akin.

GRETCHEN BARRETTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with