^

Pang Movies

Life’s A Beach, inawit nina Jeremy G at Nameless Kids

Pang-masa
Life�s A Beach, inawit nina Jeremy G at Nameless Kids

MANILA, Philippines — Ang singer-performer na si Jeremy G at indie pop band Nameless Kids ang nagbigay-buhay at kulay sa kantang Life’s A Beach, ang official soundtrack ng bagong iWantTFC original series na Beach Bros tampok sina Kyle Echarri, Brent Manalo, Raven Rigor, Sean Tristan, at Lance Carr.

Inilalarawan ng Life’s A Beach ang romantic mood at summer vibes na napapanood sa Beach Bros. Tinatalakay rin ng kanta ang halaga ng pag-e-enjoy at pagsabay sa agos ng buhay at ang paniniwala sa konseptong “you only live once” o YOLO.

Isinulat nina Jeremy G, Kyle Perry ng Nameless Kids, Star Pop head Rox Santos, at ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo ang bagong awitin na prinodyus din ni Jonathan kasama ang Nameless Kids at vocalist at keyboardist nitong si Nhiko Sabiniano.

Swak ang Life’s A Beach sa kwento ng Beach Bros na nagtatampok din kina Angelica Lao, Chie Filomeno, and Kira Balinger at eksklusibong napapanood sa iWantTFC.

Bago niya isinulat ang Life’s A Beach, nakipagcollaborate rin kamakailan si Jeremy sa kapwa Kapamilya artist na si Angela Ken para sa mga kantang Your Everything at Hanggang Sa Muli na bahagi naman ng original soundtrack ng How to Move On in 30 Days. Inilunsad din niya ngayong taon ang debut EP niyang maybe forever.

Angeline, natakot hawakan ang anak

Sinalubong ng momshies na sina Jolina Magdangal, Melai Cantiveros, at Judy Ann Santos si Angeline Quinto sa Magandang Buhay na mapapanood na tuwing 10 a.m. simula noong Lunes (Hulyo 18).

Ikinuwento ni Angeline ang touching moments niya bilang first time mom, ibinahagi rin niya ang nakakatawang experience nang palitan niya ang diaper ng anak. Ani Angeline, “Paglagay ko ng diaper ung sticker nasa harapan. Nataranta ako kasi di ba kapag umiyak ang baby either puno ang diaper or gutom. Noong pinadede ko iyak pa rin kasi nang iyak kaya sabi ko baka puno ‘yung diaper. Ayun napagbaligtad ko ‘yung suot. Kasi ‘di ba ang liit-liit? Natatakot akong hawakan siya. “

Kasama ng singer ang partner na si Nonrev nang manganak ito. Nang masilayan daw ng partner niya sa unang pagkakataon ang baby boy nila na si Sylvio, naramdaman niyang speechless ito.

Hindi naman iyon ang unang beses na magkaroon ng panganay ang partner ni Angeline dahil meron na itong tatlong anak sa mga dating karelasyon.

Samahan nga ang level up bonding ng momshies mula Lunes hanggang Biyernes 10 a.m. sa A2Z, Kapamilya Channel, at Jeepney TV, sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, at sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.

Para sa iba pang update, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, and TikTok, or visitwww.abs-cbn.com/newsroom.

vuukle comment

SONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with