^

Pang Movies

Paggunita sa 10th death anniversary ng Hari ng Komedya, Dolphy maghahari sa Cinema One

Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlong pelikula ni Dolphy ang naghahatid ng katatawanan at nagpapakalap ng good vibes online sa pagpapalabas nito sa Cinema One YouTube channel ngayong Hulyo bilang paggunita sa 10th death anniversary ng tinaguriang Hari ng Komedya.

Mapapanood nang libre ang mga tumatak na pelikulang Hataw Tatay Hataw, Dino Dinero, at Ang Hiwaga Ng Ibong Adarna sa nasabing video streaming platform hanggang Setyembre 30.

Balikan ang kwelang kwento ng Hataw Tatay Hataw na tungkol sa isang bellboy (Dolphy) na bibisitahin ng kanyang anak na babae (Sheryl Cruz) na matagal nang nawalay sa kanya. Magpapanggap ang ama na may-ari ng hotel para ma-impress ang anak na mula sa Amerika. Mapapanood din dito sina Zoren Legaspi, Nanette Medved, at Vandolph Quizon.

Isa namang mahirap na ice cream dealer na may tatlong ampon si Dolphy bilang si Dino Dinero na susubukang lokohin ng isang negosyante para nakawin ang kanyang ice cream recipe. Tampok rin sa pelikula sina Gretchen Barretto, Romnick Sarmenta, Carmi Martin, at iba pa.

 Nakasentro naman sa halaga ng mabuting kalooban ang Ang Hiwaga Ng Ibong Adarna kung saan may isang hari na paglalabanin ang kanyang mga anak na sina Adolfo (Dolphy), Alfonso (Panchito), at Albino (Babalu) para alamin kung sino ang nararapat pumalit sa trono niya. Magkakasakit ang amang hari at ang ta­nging gamot ay ang awitin mula sa ibong Adarna at kung sino man ang makapagdala ng ibong ito sa hari ang siyang magwawagi.

 Huwag palampasin ang katatawanan at sayang hatid ng timeless movies ni Dolphy sa Cinema One YouTube channel. Available rin ang Cinema One sa Cignal ch. 45, SKYcable ch. 56, at iba pang local cable service providers. Para sa iba pang impormasyon, sundan ang Cinema One sa Facebook, Twitter, TikTok, YouTube, at Instagram.

vuukle comment

GOOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with