Eksena ng dilaw sa Maid, tinapatan ng pahina sa libro!

Pinag-uusapan ngayon ang isang eksena sa trailer ng pelikulang Maid In Malacañang.

Makikita kasi sa nasabing eksena na may isang babaeng nakadilaw na may tinatawagan at nagsalita ng “Get them out of the Philippines.”

Walang binanggit na pangalan ng pelikula pero alam na si former Pres. Cory Aquino ang nasabing character.

Kaya’t naglabas ng pahina ng librong People Power : An Eyewitness History ang fan page ni Kris Aquino sa Twitter.

Ang nasabing pahina ng libro ay sinulat ni dating Supreme Court Justice Cecilia Muñoz Palma.

At ang kuwento niya ay :

“On Tuesday evening, I was with Cory in the home of her sister, Josephine Reyes. There Cory received the phone call from US Ambassador Bosworth, telling her that Marcos was ready to leave but was asking to stay for at least two days in Paoay, his home in the North. 

“Cory’s initial reaction was: ‘Poor man, let us give him two days.’ But we did not agree with that idea. We thought that given the chance, Marcos may regroup his forces or extend his stay indefinitely.

“Cory then called Ambassador Bosworth to say that she could not grant the request. Marcos should just leave the country. 

“When Ambassador Bosworth called her back, it was to say that Marcos had left. Cool as always, Cory turned to us after she put the phone down. She said simply: ‘Marcos has left.’ She said it as if it was the most ordinary thing. We all shouted jubilantly. Cory did not,” ang buong kuwento sa nasabing pahina.

In all fairness, sa Maid In Malacañang paborito itong topic ngayon sa social media.

Pero siyempre, ang inaabangan ay kung magiging box office ito sa takilya.

Mark, ‘di nakikipag-date umpisa nung pandemic

Sa Cagayan de Oro pala ‘yung pinatayong vacation house ni Mark Bautista.

Sosyal actually. Ganda at ang laki ng nasabing bahay.

Pero hindi lang pala ito basta vacation house ayon kay Mark.

“It’s in CDO. Parang vacation house ko pero commercial building,” sagot ni Mark nang tanungin ko via chat.

“Mukhang matutupad na ang pa-convenience store ni mama at cafe ni brother. Soon Praise God!,” banggit naman ni Mark sa kanyang post.

At since gawin ‘yun, every two months siyang umuuwi sa CDO.

Napapanood siya ngayon sa All-Out Sundays sa GMA.

Pero may plan daw na pelikula sa Viva, and a new album, ang versatile singer para na rin sa celebration ng 20th anniversary niya sa showbiz next year.

Kumusta naman ang lovelife niya : “Haha. I’m single. Not dating since the pandemic,” sagot ni Mark.

Nauna nang nabanggit sa interview ni Mark na maingat na siya ngayon sa pagpili ng partner.

Aniya, tinitingnan niya ‘yung mas compatible sa kanya.

Suportado ng showbiz ang inilabas na libro ni Mark noong 2018 kung saan inamin niya ang kanyang pagiging bisexual kasama ang ilang detalye ng kanyang hindi malilimutang bahagi ng kanyang buhay.

Almost 20 years ago nang unang sumabak si Mark sa Star for a Night, kung saan nanalo siya bilang first runner-up sa grand winner nitong si Sarah Geronimo.

Mula noon ay nakilala na siyang mahusay na singer. Pero marami na rin siyang nagawang mga pelikula noon kasama si Sarah G.

At isang trivia kay Mark, siya ang kauna-unahang endorser ng Mang Inasal.

Rabiya, grabe ang kaba!

Massive na ang promo ng TiktoClock.

At maraming bonggang papremyo ang naghihintay sa pag-uumpisa nito sa July 25.

The program is hosted by the newest TikTropa – well-loved comedienne and award-winning actress Pokwang, Sparkle artist and Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo, and versatile host, triathlete, and everyone’s favorite trivia man Kuya Kim Atienza.

“Kakaiba ang show na ito dahil time-based. Hindi kayo mabo-bore. Mabibitin kayo pagkatapos ng bawat episode! Ang goal namin is tumagal ang show for 10 years kaya gagalingan talaga namin at laging 101% ang energy,”  paniniguro ni Kuya Kim.

Excited naman daw si Pokwang sa kanilang live audience : “Na-miss namin na muling makita sa personal ang ngiti at saya ng mga tao! Excited akong mapanood at ma-enjoy ng lahat ang mga masasayang laro at ang pamimigay namin ng papremyo.”

Ayon naman kay Rabiya, nakakaramdam siya ng pressure: “Grabe ‘yung kaba at takot ko dahil haligi na sila sa industriya, pero pina-feel nilang part ako ng family. Gina-guide nila ako sa hosting pati sa personal na buhay. Tinutulungan nila ako to be better every day.”

Ang Oras Mo Na ang magiging main segment ng programa kung saan may dalawang singing contestants na magko-compete sa every episode and they only have one minute to impress the judges. While a giant clock is ticking, the contenders must showcase their all-out talent before the countdown ends.

 But if the judges are impressed, any one of them can press the Pause Timer Button and let the contes­tants finish their performances.

Meron itong three judges and only one Pause Timer Button. They can race towards that button or argue whether to hit it or not.

 Kung sinuman ang magtatagumpay sa nasabing round ay lalaban sa defending winner at may pagkakataong maging singing champion.

Ang first-ever countdown variety show TiktoClock ay under the helm of Louie Ignacio at mapapanood beginning this July 25, every Monday to Friday, before Eat Bulaga on GMA 7.

Show comments