Ruffa wish makahanap ng lalaking may love letter araw-araw!

Isa si Ruffa Gutierrez sa talagang nag-stand-out sa face-to-face grand media conference ng pelikulang Maid in Malacañang na ginanap sa Manila Hotel last Sunday.
Bukod kasi sa siya ang pinakamatangkad, talagang kopyang-kopya niya ang karakter na kanyang ginagampanan na si former First Lady Imelda Marcos mula sa looks, sa eleganteng gown (she was wearing Rajo Laurel), hair and make-up hanggang sa kilos at pananalita. All through out the presscon ay never siya talagang bumitiw sa kanyang karakter.
Noon pa ay sinasabi ni Ruffa na talagang idol na idol niya si Madam Imelda and she was able to meet her way, way back.
Matatandaang ipinost pa niya sa kanyang Instagram page ang old pictures nila ng former First Lady na magkasama.
At habang ginagampanan ni Ruffa ang karakter ni Madam Imelda sa Maid in Malacañang ay may nadiskubre rin daw siya sa mister nito, the former President na si Ferdinand Marcos, Sr.
“My discovery is not about my character because I really know that Madam Imelda Marcos has a beautiful heart, very sincere, mapagmahal, mahal niya ‘yung pamilya niya, mahal niya ang bayan.
“But my discovery, surprisingly, was with Ferdinand Marcos, Sr. He’s not only a strong man who’s a genious, but he’s very romantic as well,” ani Ruffa.
Ayon sa aktres ay nakita raw niya ang mga love letter ni Macoy kay Imelda at humanga siya sa yumaong dating Presidente sa pagmamahal nito sa asawa.
“Nakita ko po ‘yun mismo sa mga sulat ni Ferdinand Marcos kay Madam Imelda and sabi ko sa sarili ko, napaka-romantiko pala ‘tong taong ‘to. Araw-araw siyang sumusulat kay Madam and araw-araw siyang nagpapadala ng mga bulaklak and minahal niya talaga,” she said.
Humugot si Ruffa na sana raw ay mayroon pang ganitong lalaki ngayon.
“’Yan ang kulang sa mga lalaki ngayon. Sana merong mga lalaki ngayon na sumusulat pa ng sulat-kamay sa mga babae,” aniya at pati si Sen. Imee Marcos na naroroon din sa mediacon ay natawa.
Dagdag pa ng aktres, chat-chat na lang daw kasi ngayon ang mga boys natin.
“Sana, ‘yung mga lalaki, katulad nun’g araw,” she added.
Sey naman ni Sen. Imee, bagama’t cheesy ang kanyang ama ay nakaka-miss din dahil hindi na raw uso ngayon.
Samantala, sobrang honored ang thankful si Ruffa na sa kanya ibinigay ang role. Aniya, siguro raw ay dahil sa manifestation kaya napunta ito sa kanya.
“Prior to this role being offered to me, nagma-manifest na ako, matagal na akong nanoood ng mga documentaries, mga interview ng pamilya Marcos, ni Madam Imelda Marcos.
“As a matter of fact, 2 days before direk Darryl (Yap) offered the role, I was already going through my own photo albums at nakikita ko do’n ‘yung mga pictures ni Madam Imelda Marcos, my wedding with Madam Imelda Marcos, she was also there.
“And then I got the call. So, sabi ko, wow! And I never heard from direk. Like 3 weeks, hindi na niya ako tinawagan. ‘Ay, sa iba na ‘to napunta.’
“As you all know, playing the role of Imelda Romualdez Marcos is a very coveted role at marami talagang gustong gumanap. Kaya I’m very thankful na napunta sa akin ‘to, and I really hope that I’m able to give justice to our First Lady forever, Madam Imelda,” pahayag ng aktres.
Sa naturang mediacon ay ipinakita rin for the first time ang trailer ng Maid in Malacanang at puring-puri naman talaga ito ng lahat.
Trailer pa lang ay nakaka-goosebump na kaya naman excited na ang lahat na mapanood ito sa sinehan this coming August 3. Hindi lang ito sa Pilipinas mapapanood kundi maging sa iba’t ibang bansa.
Ang kwento ng Maid in Malacañang ay tungkol sa last 3 days ng Marcoses sa Malacañang during the People Power Revolution in 1986. Ayon kay direk Darryl at kay Sen. Imee, pawang buong katotohanan lamang ang kanilang ipapakita sa pelikula at wala silang binago sa kasasaysayan.
Kasama rin sa movie sina Cesar Montano, Diego Loyzaga, Cristine Reyes, Ella Cruz, Karla Estrada, Beverly Salviejo, Elizabeth Oropesa, Kiko Estrada at marami pang iba.
- Latest