Kuwento ng dalawang hiwalayan...Ex-partner ni Pokwang, welcome na welcome sa kanyang bahay.

Maggie Wilson, kinasuhan ng Adultery ng mister na bilyonaryo
MANILA, Philippines — Buhay na buhay ang dugo ng mga Maritess sa kontrobersya ng dating mag-asawang sina former beauty queen, actress and model Maggie Wilson at billionaire businessman Victor Consunji.
Parang nanonood sila ng teleserye ng totoong buhay.
Pinapa-padlock ang townhouse unit sa pag-aaring property ng pamilya Consunji kung saan nakatira si Maggie pagkatapos ng hiwalayan nila ng mister.
Kaya nanghihingi ngayon ng tulong si Maggie dahil pinasok nga ang kanilang townhouse at pinutulan ng kuryente.
“They stated that the property is owned by DMCI despite me explaining on the phone on multiple occasions that there is a contract that exists on the property signed by Bernie Mendoza (Victor Consunji Development Corporation (VCDC) vice president) himself.
“They entered my home and took videos of personal belongings of those of myself and my family illegally,” na tinawag ni Maggie na ‘a very real threat.’
“Were subject to harassment and intimidation,” pahayag pa ni Maggie sa ginawa ng mga tauhan ng VCDC kasama ang barangay personnel na may dalang baton.
Nanawagan din siya sa gobyerno na may gawin kaugnay dito : “I urge our government and others to please step in and do something immediately. I plead with you and the online community to help me raise awareness that this kind of human rights harassment happens in the Philippines, especially to women day in and day out.”
Pero bukod dito kinakaharap ngayon ni Maggie ang 3 counts of adultery at may warrant of arrest na ito ayon sa kumalat na dokumento.
Kasama sa kinasuhan ang nababalitang diumano’y bagong karelasyon ni Maggie, si Tim Connor.
Habang sinusulat namin ito ay wala pang pahayag ang kampo ni Mr. Consunji na inilalabas sa social media.
Pero ang mga abogado ni Maggie ay nagsabing : “It is public knowledge that Ms. Wilson is estranged from her spouse, Mr. Victor Consunji, the Chief Executive Officer of VCDC. Such estrangement, however, does not and cannot justify the malevolent act of harassment and persecution against his wife and her family. Whatever personal issues Mr. Consunji has against his spouse is not a license to trample upon her honor and dignity and inflict fear upon her and her family.
“This blatant display of power and influence deserves the strongest condemnation. No one is above the law.
“We will not let pass this flagrant violation of the home and privacy our client and we will HOLD LIABLE TO THE FULLEST EXTENT OF THE LAW all those involved in this dastardly act.”
Ahh buti pa si Pokwang at asawang si Lee O’Brian peaceful ang hiwalayan at walang ganitong mga pangyayari. Co-parenting sila ng dating asawa ayon sa interview kay Pokwang :
“Anytime, welcome siya dito sa bahay. Mas nagagampanan nga namin ‘yung pagiging magulang namin kay Malia. Mas naging magaan ang lahat.”
Dagdag pa ni Pokie : “Ayokong nakikita ng bata na paggising pa lang nagsisigawan na kayo, ang pangit ‘di ba, nakikita ng bata ‘yung gano’n? Now, mas kumalma kami, mas gumanda. Kumbaga, mas naging mature ‘yung pagsasama namin bilang magkaibigan,” ayon kay Pokwang sa interview ni Nelson Canlas sa kanyang Podcast.
Bukod pa sa hindi naging open si Pokwang sa social media nang magkaroon sila ng problema ng asawang Amerikano. Naghiwalay sila na hindi naglitanya sa social media kaya naiwas sa iskandalo.
Pen Medina, ooperahan dahil sa DDD
Maraming sumagot sa panawagan ng actor na si Alex Medina para sa kanyang amang si Pen Media na kasalukuyang nasa hospital.
Nangangailangan ang actor ng pera para sa kanyang operasyon.
Hindi raw nakakaupo o nakakatayo ang kanyang ama dahil sa Degenerative Disc Disease (DDD) ayon pa kay Alex.
“A CALL FOR CHARITY FOR PEN MEDINA,” ang title ng post ng anak ni Mang Pen.
“To his friends, relatives, and co-workers:
“Our dad, 71-year-old actor
“Pen Medina, has been in the hospital for three weeks now and currently cannot sit or stand up due to Degenerative Disc Disease (DDD). He is scheduled for a major spine surgery on Tuesday, July 19.
“Due to the pandemic, our dad scarcely had any work, which siphoned his savings over the past two years. We are trying to help him as best as we can but it will be a long road to sufficient recovery for him.
“We humbly appeal for your charitable help and prayers as our family navigates through helping him get back on his feet - literally and figuratively.”
Mahusay na actor si Mang Pen pero nung umpisa ng pandemya ay naging kontrobersyal dahil very vocal siya sa paniniwalang hindi epektibo ang bakuna para sa COVID-19.
In fact kasama ang mahusay na actor sa nakisali noong 2021 sa anti-COVID vax rally sa Quezon City. Nagprotesta sila noon kasama ang ibang seniors na walang face mask at face shield.
Joseph The Dreamer, na-postpone sa MGA nag-positive
Andyan pa rin talaga ang virus.
Kahit parang endemic at normal na normal na ang lahat.
Ang musical play na Joseph The Dreamer ay nagkaroon ng postponement ang opening night.
Ayon sa kanilang statement, nag-positive sa COVID ang ilang cast members nito kaya’t kailangan itong i-postpone ayon sa inilabas na statement ng Trumphet, producer ng musical play na comeback ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano sa musical play.
Itutuloy raw ang pagpapalabas nito sa Aug. 5, 6, & 7.
Kagagaling lang ni Pangulong Marcos sa virus at ganundin ang ibang cabinet members niya kaya ingat pa rin dapat.
- Latest