^

Pang Movies

Orig na Ibong Adarna, napanood ang enhanced version  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Orig na Ibong Adarna, napanood ang enhanced version           
Ibong Adarna

Siniguro naming maaga kaming magigising kahapon dahil ipapalabas sa telebisyon ang 1941 film classic na Ibong Adarna. Hindi pa namin napapanood ang pelikulang iyan at ang inilabas nila ay digitally enhanced version.

Ito ay idinirek ni Vicente Salumbides, at ang tumayong technical director niyan ay ang national artist na si Manuel Conde.

Naalala namin ang isa sa mga kuwento ni Manuel Conde noong ma-interview namin siya sa kanyang bahay sa Sampaloc noong araw. Ginawa nga raw nila para sa LVN ang Ibong Adarna na black and white lang. Wala pa namang color noon, at kung mayroon man ang teknolohiya ay hindi pa nakararating sa Pilipinas.

Nang maipalabas na raw ang pelikula, naisip nila na magiging maganda kung colored ang Ibong Adarna sa pagkanta noon. Kaya ang ginawa nila, kinulayan nila isa-isa, frame by frame ang eksena ng pagkanta ng ibon sa pelikula. Tapos muling ipinalabas iyon, at na­ging mas malaking hit dahil iyon ang kauna-unahang pelikulang Pilipino na may colored sequence. Ang mga bida sa Ibong Adarna ay sina Mila del Sol, Fred Cortez, at Esther Magalona.

Matagal bago nagkaroon ng totoong colored movie sa Pilipinas. Ang kauna-unahang pelikulang Pilipino in full color ay iyong Batalyon XIII, at tinatawag pa iyong Ansco color. Nang malaunan, naglabas na nga ang Kodak ng safety film at nagkaroon ng panibagong process na tinatawag namang Eastman color.

Bagama’t dito sa atin, kung sabihin ng mga tao ay Technicolor, dahil iyon ang nakikita nila sa pelikulang kano. Iba ang proseso ng Technicolor at hindi yata tayo nagkaroon noon.

Ang Ibong Adarna, kulang na nang ipalabas sa TV. Sinabi naman nila na nawala na ang part 6 ng pelikula. Ang isang pelikula kasi noon karaniwang sampung rolyo. Pero buo pa rin naman ang kuwento ng tinuturing na isang classic Pinoy film.

Panonood ng Showtime ng EB, hinaluan ng kontrobersya

Walang naiiba para sa amin kung ang mga taga-Eat Bulaga ay nanonood ng It’s Showtime sa kanila mismong studio. Mayroon kasing nag-post ng picture ng Eat Bulaga group tapos may nakapuna na iyong TV sa kanilang likod, ang palabas ay Showtime. Ganoon talaga ang magkakalabang shows, lalo na kung live.

Gusto nilang malaman kung ano ang inilalabas na segment ng kalaban para matapatan. Sure kami nano­nood rin ng Eat Bulaga ang mga taga-Showtime.

Hindi lang noontime shows, lahat ganyan. Kung pagkuwentuhan nga namin noong araw, ang live show lang na walang pinanonood na kalaban ay ang Vilma.

Masyado kasing mataas ang rating noon, wala nang tumapat na show. Pero pinanonood din nila ang ibang musical variety kahit na hindi nila katapat.

Love team, imposibleng magkagustuhan

Kahit na tawasin ninyo kami, hindi ninyo kami mapaniniwala na talagang nagkakagustuhan na nga ang isang love team.

Papaano ba naman kaming maniniwala, hindi lang isa kundi marami na kaming kuwentong narinig na ang male star na iyan ay madalas na kasali sa mga private gay parties, na ginaganap sa exclusive subdivisions.

vuukle comment

EAT BULAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with