Ciara, nagbigay ng solusyon sa mga asawang manloloko

Ciara

Marami ang nag-agree sa solusyon ni Ciara Sotto sa mga partner na nanloloko. Simple lang ang solusyon ni Ciara, “Ihatid mo sa pintuan palabas” at ito ang sagot niya sa Q&A segment ng kanyang vlog kung saan, puwedeng magtanong ang kanyang subscribers.

Isa nga sa mga taong ay kung paano niya hina-handle ang pagkakaroon ng cheating partner? ‘Yun na nga ang sagot ni Ciara at may dagdag pang “I can’t deal with cheating. Bigay nyo na sa kanila, kung ayaw niya sa ‘yo. Kung ayaw na nila sa’yo, bye.”

May pahabol pang sinabi si Ciara na “Sipain mo pa” na agad binawi at nagbibiro lang daw siya sa “sipain” part. Pero, marami ang nagsabing ‘yun din ang gagawin nila kapag sila’y niloko ng kanilang partner, hindi lang nila ihahatid palabas ng pintuan, tatadyakan pa nila para mabilis makaalis ng bahay.

Matagal nang hiwalay sa asawa si Ciara at co-parenting daw ang setup nila ng ama ng kanyang anak.

Xian, itatambal kay Ashley

Hindi pa man in-announce, marami na ang natutuwa sa balitang si Xian Lim ang makakapareha ni Ashley Ortega sa bagong serye ng GMA 7 na Frozen Love. Kung totoo, bale second project ito ni Xian sa Kapuso Network pagkatapos ng False Positive nila ni Glaiza de Castro.

Sa visuals ng dalawa na parehong beautiful person, siguradong may chemistry sila. Tama rin na hanggang hindi pa ready si Jennylyn Mercado na mag-resume ng taping ng Love. Die. Repeat nila ni Xian, bigyan muna ng ibang project ang aktor.

Tili nina Solenn at Nico, apat na languages ang alam

Halata na ang baby bump ni Solenn Heussaff sa latest photo na pinost sa Instagram. Seventeen weeks na siyang pregnant sa second child nila ng asawang si Nico Bolzico. Sabi nito, kaya pa niyang isuot ang mga damit na gawa ng Bumpsuit habang hindi pa lumalaki ang kanyang tiyan.

Bukod sa gender ng second baby ni Solenn, isa pa sa inaabangan ay kung paano turuan ng French at Spanish nina Solenn at Nico ang kanilang second baby. Enjoy ang netizens listening to Tili speaks in French with Solenn and Spanish with her dad. In between, nag-i-English din si Tili.

Minsan, nagta-Tagalog din siya, pero pa-one word-one word lang. Ang bongga lang na four languages ang alam na salita ni Tili. Baka nga madagdagan pa kapag nag-aaral na siya.

Show comments