Benjie, ayaw mangialam sa relasyon nina Kobe at Erika

Kobe at Erika

Ang sagot ni Benjie Paras na “I would rather not comment because I don’t meddle in Kobe’s personal life. He’s of age already, and I trust that he knows how to make the right decisions,” sa tanong sa relasyon ng anak na si Kobe Paras at Erika Potunak, eldest na anak ni Ina Raymundo.

Sa pagiging basketball player lang ni Kobe makikialam si Benjie. “But as far as his basketball career is concerned, I will keep guiding him since that’s my expertise,” dagdag na pahayag ni Benjie.

 Sina Kobe at Erika ang newest couple ngayon at dahil parehong sexy, “hot couple” ang tawag sa kanila. Wala pang deretsahang pag-amin ang  dalawa, sa mga post lang nila sa Instagram, IG story at TikTok nalaman natin ang kanilang relasyon. Yes, they make a beautiful couple at wish ng kanilang shippers, hindi sila maghiwalay.

Rabiya, matatanong na tungkol kay Jeric

Mediacon ngayong araw ng Tic to Clock, ang bagong variety at game show ng GMA-7 na premiere sa July 18, bago mag-Eat...Bulaga. Hosts dito sina Pokwang, Rabiya Mateo, at Kim Atienza sa direction ni Louie Ignacio.

Birong comment ng netizens, pareho sina Pokwang at Rabiya, hiwalay sa mga dyowa nila, ang kaibahan lang, matagal ang naging relasyon nina Pokwang at Lee O’ Brian at may isa silang anak. Sina Rabiya at Jeric Gonzales, ilang months pa lang ang relasyon at nagtapos na.

May pahayag na si Pokwang sa paghihiwalay nila ni Lee, hindi na siguro siya tatanungin pa ng press tungkol dito. Ang gusto lang nating malaman ay kung alam ni Malia hiwalay na ang parents niya at kung ano ang sabi nito kay Pokwang?

Sabagay, maayos ang relasyon nina Pokwang at Lee at may recent video pa nga na magkakasama silang nagbi-breakfast sa rooftop ng bahay ni Pokwang. Ang akala ng mga nakapanood ng video, okay pa rin sila at nagsasama sa isang bahay.

Gusto rin sana nating marinig kay Rabiya ang dahilan ng break-up nila ni Jeric na siguradong hindi sasabihin.

Show comments