^

Pang Movies

‘Bulilit’ Nash Aguas, kinarir ang pulitika!  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
‘Bulilit’ Nash Aguas, kinarir ang pulitika!         
Nash Aguas

Nakakatuwa lang isipin na ang dating child actor na si Nash Aguas ay nagli­lingkod na ngayon bilang konsehal sa Cavite City.

Parang kelan lang ay nanalo si Nash sa Star Circle Kid Quest noong 2004 at napapanood siya sa Goin’ Bulilit. Ngayon ay isa na siyang certified goverment official.

Nagsimula na si Nash sa kanyang unang araw bilang konsehal at pinost pa niya ito sa kanyang Instagram account: “First session. Simula na ang trabaho. Our journey back to being a first class city starts today.”

Naalala namin ang balita noong unang magsabi si Nash na tatakbo siya bilang konsehal. Sa edad na 22 ay marami na kasing naipundar si Nash mula sa kanyang pagiging artista. Bukod sa sariling mga negosyo, may mga investment din daw si Nash sa real estate.

Nakapagtapos din ito ng BSBA Major in Marketing Management sa kolehiyo kaya malaki raw ang magiging impluwensya niya sa maraming kabataan. “We really think Nash (Aeign Zackrey Nash Victoriano Aguas) can help us revive the former status of our city which is first-class. Through his reach, we can easily help Cavite City promote tourism assets. He will also be an inspiration to the Caviteño youth,” ayon sa partido ng aktor na Lakas–Christian Muslim Democrats party.

Napanood si Nash sa Kapamilya shows na Luv U, Bagito, Lobo, May Bukas Pa, Tanging Yaman, Dahil May Isang Ikaw, Magkaribal, FPJ’s Ang Probinsyano, Doble Kara, The Good Son, A Soldier’s Heart at Huwag Kang Mangamba.

Ang kasalukuyang girlfriend ni Nash ay si Mika dela Cruz.

Direk Laurice, inaming pinagdudahan si Lianne

Ikinatuwa ng award-winning director na si Laurice Guillen ang mahusay na performance ng buong cast ng GMA teleserye na Apoy Sa Langit.

Na-single out ni Direk Laurice ang pagganap bilang Stella ng Kapuso actress na si Lianne Valentin. Tinupad daw nito ang pangako na fully committed siya sa   role bilang isang mistress at kontrabida.“Wala siyang kaartehan. Kapag sinabing jump, jump! Ang bilis ng pag-rise niya, because she is completely committed,” sey ni Direk Laurice.

Noong una raw ay medyo pinagdudahan ni Direk Laurice kung kakayanin ba ni Lianne ang mga eksena nito with Zoren Legaspi. Kung hindi raw nito kaya ay puwede silang kumuha ng ibang artista. Pero nag-commit daw si Lianne at ginulat nito ang lahat.

Hollywood actress Hayden Panettiere, nilantad ang pagkalulong sa droga at alak

Ni-reveal ng Hollywood actress na si Hayden Panettiere na kaya biglang bu­magsak ang kanyang career ay dahil nalulong siya sa droga at alak. Kinuwento ng 32-year-old actress, na nakilala bilang The Cheerleader sa US series na Heroes, na ilang taon siyang nakipaglaban sa kanyang addiction na nagsimula sa pagkakaroon niya ng post-partum depression.

“I was on top of the world and I ruined it. I’d think I hit rock-bottom, but then there’s that trap door that opens. I tried not to be messy while on set and wor­king, but my personal life was getting out of control off set. As I got older, the drugs and alcohol became something I almost couldn’t live without,” sey ng aktres sa PEOPLE.

Lumala raw ang addiction ni Hayden habang ginagawa niya ang series na Nashville. Dahil sa kanyang bisyo, naapektuhan nito ang kanyang personal relationship with boyfriend Wladimir Klitschko at sa anak nilang si Kaya na sinilang niya noong 2014.

Naospital at dinala sa rehab si Hayden. Ngayon ay unti-unti na siyang nakaka-recover. “I put a lot of work into myself and I had to be willing to be incredibly honest. It’s an everyday choice, and I’m checking in with myself all the time. But I’m just so grateful to be part of this world again, and I will never take it for granted again,” sey ni Hayden na tinatag ang Hoplon International na tumutulong mag-raise ng funds for Ukraine. Nakahanda rin siyang bumalik sa pelikula via Scream 5.

NASH AGUAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with