Halos malula si Angeline Quinto nang matanggap ang sandamakmak na regalong ipinadala ni Sarah Geronimo para sa anak niyang si Baby Sylvio.
Hindi kasi nakarating ang Popstar Royalty sa binyag ng anak nila ng kanyang non-showbiz partner na si Nonrev Daquina nitong nagdaang linggo kaya ipinadala na lang ang sangkakutak na gifts nito para sa inaanak
Sa “Unboxing Sylvio’s Gifts” vlog ni Angeline ay makikita ang ang pagbubukas nila ng mga regalong natanggap ni Baby Sylvio matapos itong binyagan.
Halos mapuno ang kanilang mga kuwarto ng gifts mula sa mga ninong at ninang ng sanggol kabilang na nga riyan sina Sarah, Vice Ganda, Erik Santos, K Brosas, Yeng Constantino, Vicki Belo at marami pang iba.
Tuwang-tuwa si Angeline at kitang-kita nga ang pagkabigla niya mga ipinadalang regalo ni Sarah na nasa isang malaking lalagyan.
“Ang sweet naman ni SG. Parang madami ‘to, Beb. Sarah, baka naman. Ang daming regalo!” sabi ni Angeline.
“Ang dami nito o, thank you, SG! Thank you, Sars. Si Sarah kasi, kahit di siya nakapunta mga ka-twinkle sa binyag ni Sylvio, alam niyo nag-message naman siya sa akin.
“So sobrang nagte-thank you ako kay SG talaga kasi hindi nakakalimot yang si SG. Lalo na nu’ng kakapanganak ko pa lang.
“Talagang isa siya sa mga taong unang nakatanggap ako ng message. Nangumusta saka nag-congratulate sa paglabas ni Baby Sylvio,” proud na kwento ni Angeline.
Alfred, mas pinili ang bayan
Hindi napigilang maging emosyonal ni Alfred Vargas sa huling speech niya sa nakaraang State of the District Address (SODA) bilang representative ng ika-limang distrito ng Quezon City dahil ginunita niya ang mga achievements niya sa pagtatapos ng kanyang ikatlong termino.
“Maayos at very promising naman ang ating buhay noon sa pelikula at telebisyon. Ngunit sa pinakamahirap na desisyon ng aking buhay noon, lahat ng ito ay ating tinalikuran dahil mas mahal natin ang ating bansa kaysa sa sarili at personal nating mga pangarap,” aniya.
Dagdag niya, mas pinili niya ang bayan bago sarili.
“Malinaw sa akin ‘yan noon pa man. Kaya iniwan natin ang showbiz para sa paglilingkod sa kapwa. At dito nagsimulang mas maging makabuluhan ang aking buhay.”
Si Alfred ang principal author ng legislative breakthroughs such as the establishment of the Quezon City Persons with Disability Affairs Office (PDAO). Soon after, he was elected as the first Representative of the newly-created Fifth District, constituting 14 barangays in Novaliches.
Simula 2013 ay nakapag-file na siya ng 1,256 house bills and resolutions, eighty-seven sa mga ito ay pumasa na.
Ang iba pang achievements ni dating Congressman Vargas na ngayon ay konsehal na ay ginawaran siya ng Congressional Medal of Distinction at the adjournment of the 18th Congress.
Sa kanyang political career ay pinasalamatan niya ang lahat ng mga sumuporta sa kanya, mga kaibigan, katrabaho at siyempre, ang pamilya niya, ang asawang si Yasmine at ang mga anak nilang sina Alexandra, Aryana, at Cristiano.