Rufa Mae, babalik muna sa Amerika
Nagbigay ng payo si Rufa Mae Quinto sa mga bagong cast member ng longest-running gag show na Bubble Gang.
Ilan taon ding naging parte ng Bubble Gang si Rufa Mae kaya importante raw na mahalin ng mga baguhang ito ang naturang show. Kabilang sa mga baguhan sa show ay sina Tuesday Vargas, Kokoy de Santos, Kim De Leon, Faith da Silva at Dasuri Choi.
“Sixteen years din akong naging part ng Bubble Gang kaya talagang pamilya na kaming lahat sa show. Gusto kong ituring ng mga baguhan na second home nila ang show.
“Actually, hindi ko pa sila nami-meet eh, so wala po akong ma-a-advice sa ngayon. Siguro ang message ko na lang ay dito lang me, call me lang. Huwag silang magkamali kasi lalaitin ko sila!” malakas na tawa pa niya.
Mga nakasabayan ni Rufa Mae sa Bubble Gang ay sina Maureen Larrazabal, Diana Zubiri, Ara Mina at Francine Prieto.
Ngayon ay balik-comedy si Rufa Mae sa Tols ng GTV.
Ngayong July pala ay muling lilipad for the US si Rufa Mae para sa ilang shows doon. Pagkakataon na rin daw niyang mabisita nila ng kanyang anak ang mister na si Trevor Magallanes na isang police officer sa San Francisco, California.
Two years daw ang pinirmahang kontrata ni Rufa Mae sa Sparkle GMA Artist Center.
Hocus... bubuhayin
Nagbabalik sina Bette Midler, Kathy Najimy at Sarah Jessica Parker bilang the Sanderson Sisters sa sequel ng 1993 Halloween comedy na Hocus Pocus.
Nilabas na ng Disney ang trailer ng Hocus Pocus 2 at magsisimula na itong ma-stream sa Disney+ on September 30.
Hindi raw nagdalawang-isip ang tatlong aktres na muling buhayin ang mga character nila bilang makakapatid na witches na ninanakaw ang kaluluwa ng mga bata sa Salem, Massachusetts para manatili silang buhay at sariwa.
“It’s been 29 years since someone lit the Black Flame Candle and resurrected the 17th-century sisters, and they are looking for revenge. Now it is up to three high-school students to stop the ravenous witches from wreaking a new kind of havoc on Salem before dawn on All Hallow’s Eve,” ayon sa Disney release.
- Latest