Kinda secret pala ang pagdalaw ni Superstar Nora Aunor kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Yes, spotted nga ito sa Malacañang two nights ago.
Maaalalang tinanggap ng mga anak ni Ate Guy na sina Ian, Matet, Kenneth at Kiko ang kanyang National Artist Award mula sa Pangulo kasabay ang iba pang bagong National Artist sa sining at kultura sa formal ceremony more than a week ako.
Matagal-tagal nga raw na-hospital si Ate Guy at hindi agad pinayagan ng mga doctor na lumabas dahil delikado sa kanyang kalagayan.
Pero noong isang gabi raw ay pumunta raw ito ng Malacañang pero walang coverage at nagpasalamat lang ito kay Pangulong Duterte sa parangal na pinagkaloob sa kanya.
Malabo ang kumalat nilang picture na magkasama ni Pres. Duterte at ang napansin ng netizens ay parang bloated ito at baka raw nagpa-steroid dahil nga sa kanyang sakit na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya sinasabi kung ano.