Tinalikuran na rin ni Andre Paras ang basketball at balik-acting muli siya, after a year na naging professional basketball player siya ng Blackwater Bossing. Ipinaalam ni Andre sa kanyang teammates ang decision niya to leave the league and return to his showbiz acting career. Natuwa siya na naging supportive sila sa kanyang desisyon.
Lalong na-excite si Andre nang sa pagbalik niya sa GMA Network, may offer na agad sa kanyang teleserye, ang Abot Kamay Na Pangarap. Makakasama niya sina Carmina Villarroel, Richard Yap, Jillian Ward and others.
“I’m very excited, I’ll be working with a lot of new people I look up to and I can’t really wait to meet them in person,” sabi ni Andre.
Makakasama rin sa serye ang dating Kapamilya at nagbabalik-Kapuso ngayon na si Dominic Ochoa.
MJ, mas pinili ang showbiz
Iiwan na ba ni Mary Jane or MJ Lastimosa, Miss Universe Philippines 2014, ang mundo ng beauty contest at magko-concentrate na siya sa showbiz? Subok lamang kaya nang ilang buwan siyang napanood mag-host sa Eat Bulaga, kasama ang co-hosts na sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paulo Ballestoros, Ryan Agoncillo at Maine Mendoza?
Pero kasunod nito ay napanood na si MJ sa Agimat ng Agila doing action scenes with Bong Revilla, kasama rin si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.
This Sunday, June 26, lead star na si MJ sa episode na She Likes Me, She Likes Me Not, ng weekend anthology na Regal Studio Presents katambal si Sparkadas Elijah Carlos. Gaganap si MJ as Deena, caretaker ng resort at mami-meet niya ang bakasyonistang si Paul (Elijah) na na-attract sa kanya.
Mapapanood ang She Likes Me, She Likes Me Not, tomorrow, June 26, 4:45 p.m. sa GMA 7.
Rufa Mae, pinayagan ng mister na sa PH muna
Balik-acting na rin muli si Rufa Mae Quinto, sa bagong sitcom na Tols. Ilang taon ding nawala si Rufa Mae nang mag-asawa siya at nag-stay sa Amerika. Pero umuwi siya rito nang magkasakit ang brother niya hanggang sumakabilang-buhay ito.
Very supportive ang husband niyang si Trevor Magallanes na pumayag mag-stay muna siya rito at balikan ang showbiz career niya, since kasama naman niyang bumalik ang daughter nilang si Alexa.
Muli siyang pumirma ng contract sa Sparkle.
Na-excite naman ang mga gumaganap na triplets sons ni Rufa Mae sa Tols na sina Kelvin Miranda, Shaun Salvador at Abdul Rahman, dahil pare-pareho silang na-challenged since hindi sila comedians, pero magpapatawa sila rito.
Pilot episode na this Sunday, June 26, ng Tols sa direksyon ni Monti Parungao, 7:05 p.m. sa GTV.