Hindi natuloy ang naka-schedule na concert ni Vice Ganda sa Honolulu, Hawaii.
Yup, supposedly daw ay kasama sa US concert tour ni Vice ang Hawaii pero biglang nawala ito sa latest poster ng concert tour.
Ito ‘yung Fully Vice-cinated USA Concert Tour 2022 with MC & Lassy and special guest niya Darren Espanto.
Ang rason ayon sa reliable source, majority ng mga Pinoy sa Hawaii ay mga Marcos loyalist.
Sa Hawaii tumira ang napatalsik na Pangulo ng Pilipinas noon na si Ferdinand Marcos Sr.
Naging active sa nakalipas na kampanya si Vice para kay outgoing Vice President Leni Robredo kaya’t nagduda ang iba na baka ito nga ang rason kaya’t kanselado ang Hawaii concert ni Vice.
Mamumuno sa ating bayan simula sa July 1 si President-elect Bongbong Marcos Jr.
Jessy, naospital
Na-food poison pala at naospital si Jessy Mediola for three days.
Ito ang sinabi niya sa kanyang recent vlog.
At ang saya niya dahil inaalagaan daw siya sa hospital ng asawang si Luis Manzano at ito ang nagbayad ng bills niya.
Pero curious lang ang followers nila kung kanya-kanya ba silang hawak ng pera pero dahil sa expression na parang bakit parang hindi ine-expect ni Jessy na si Luis magbabayad at mag-aalaga sa kanya?
Parang given na raw kasi ‘yun ‘di ba ‘pag mag-asawa?
Naninibago lang daw sila, followers, sa ganung setup siguro.
Anyway, kanya-kanyang approach naman ‘yan.
Saka ang saya naman ng mag-asawa at suportahan talaga sila.
Sumpaan sa altar nina Tom at Carla, walang nangyari
Marami pang hindi nakaka-move on sa naging rebelasyon ng mag-asawang Tom Rodriguez at Carla Abellana lalo na nga at daming na-touch sa kanilang wedding vows nila noon na kumalat ulit sa social media.
Binanggit kasi noon ni Tom na “I can’t imagine my life without you from here on because you’ve enriched my life in more ways than I can readily express. Like when dad passed, I have to admit, I lost my faith. I lost my way but your boundless capacity for love was the road that led me back into His arms. I know dad is with Him now but he would have loved to have been here.”
May binanggit pa noon si Tom na Bartolome Alberto Mott sa totoong buhay na : “I want to be there to help raise our children at mga apo, both humans and fur babies alike, because I’ve often imagined what you would look like as a lola.”
Sinabi naman ni Carla na ‘answered prayer’ si Tom. “Over eight years ago, I prayed for you. But the thing is, back then I didn’t even know it was you who I was praying for. I even completed Simbang Gabi praying that I would finally meet the man who will love me unconditionally and take very, very good care of me. While I completed that Simbang Gabi, I seriously never thought that the man I prayed for was already so close to me. That we had already crossed paths, months prior. We even played husband and wife for work. I didn’t even have to pray anymore because God had already answered my prayer in advance. What a plot twist!”
Kaya ang daming nagulantang at shocked sa mga pangyayari sa mag-asawa lalo na sa rebelasyon ni Carla.
Burado na ang maraming wedding photos ng mag-asawa sa social media account ni Carla.
Samantala, nagpahayag naman ng kalungkutan ang ang GMA 7 sa nangyari sa mag-asawa: “We are saddened by the recent turn of events involving GMA artists Carla Abellana and Tom Rodriguez.
“It is our prayer that they will be able to resolve their issues at the soonest possible time and in the most amicable manner.
“We also request their fans, supporters and the public to refrain from spreading various speculations about them.”
Divorced na sila base sa sinabi ni Tom.
American citizen si Tom kaya’t wala nang bisa sa parte niya ang kasal nila.