^

Pang Movies

GMA, upgraded ang mga programa

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
GMA, upgraded ang mga programa

Dahil sa 72 years old na ang GMA 7, kaya naman todo ang magagandang palabas sa line-up ng programa nila.

Talagang upgraded lahat, from news hanggang sa mga napapanood na drama.

Sayang nga lang dahil sa health restrictions na ginagawa hindi napapanood ng audience ang mga musical program ng face to face kung minsan.

Kung tulad lang ng dati, baka ang haba na naman ng pila every Sunday ‘pag live ng Sunday show.

Imagine mo na 72 years na walang humpay sa pagbibigay ng saya ang GMA 7, ‘di ba bongga talaga, talagang number 1 network kaya naman umabot ng ganyan katagal.

Beaver, gagawin ang lahat para sa pangarap

Sana naman magtagumpay ang career ni Beaver Magtalas, Salve. Kasi kita mo ang passion sa kanya na mapasok ang showbiz. ‘Yung energy niya na bagay sa isang dreamer na gagawin lahat para marating ang kanyang pangarap.

One big break, at iyon na ang maging hudyat para marating niya ang itaas. Lahat handa siyang tulungan, si Pat-P Daza inilagay agad siya sa isang musical number, si Bambbi Fuentes, isinali agad siya sa grupo ng Gandara para sa isang guesting, ganundin sina Salve at Gorgy.

Grabe ang suporta na nakukuha niya, pati kila Cristy Fermin at sa mga kasama nito na sina Japs at Tina. Si Mr. Fu madalas ding banggitin si Beaver Magtalas sa kanyang programa.

Tunay na lahat masayang tumutulong kay Beaver dahil sa PR ng nanay at tatay nito.

Kaya naman, one lucky break lang ang hintayin natin, at tiyak boom, makikilala na nang husto si Beaver Magtalas.

GMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->