“Hot couple” ang tawag kina Kobe Paras at Erika Poturnak, ang eldest daughter nina Ina Raymundo at asawang si Brian Poturnak dahil pareho raw sexy ang dalawa. Spotted sila sa isang beach kasama ang ilang kaibigan at may ibang larawan pang lumabas ang dalawa na sila’y magkasama.
Based sa photos, hindi na lang basta dating sina Kobe at Erika, couple na sila, pero hintayin pa rin natin kung magkakaroon sila ng relationship reveal. Maganda nga naman ‘yung malaman nating sila na nga at galing mismo sa kanila.
Siguradong hindi tututol si Ina kung boyfriend ni Erika si Kobe at ganu’n din sina Jackie Forster at Benjie Paras, ang parents ni Kobe kung GF nito si Erika.
Heart, glass skin ang likod!
Malapit nang mag-200,000 ang likes sa post ni Heart Evangelista sa Instagram na topless siya, pero dahil nakatalikod, ang makinis niyang bare back at “glass skin” lang ang makikita. Sa litrato, mukhang magsusuot ng tinatawag na bralette si Heart.
Natawa kami sa nag-comment na makakagalitan daw si Heart ng asawang nagbabalik sa senado na si Chiz Escudero at ang mas nakakatawa pang comment na “akala ko face mask” na ang tinukoy ay ang bralette na isusuot ni Heart.
May nagtanong naman kung anong sabon ang ginagamit nito para magkaroon ng flawless skin at pahingi na rin daw siya ng sabon na ‘yun. Mayroon namang nag-offer na bibilhin ang used bralette ni Heart.
Anyway, dadalo raw si Heart sa GMA Thanksgiving Gala ng GMA Network sa July 30, at ngayon pa lang, inaabangan na ang isusuot na gown ni Heart. Dahil sanay sa rampahan sa ibang bansa, sigurado raw na iba ang magiging dating nito sa nasabing event na Old Hollywood ang tema.
Charo, pasok din sa Probinsyano!
Pasok na sa Ang Probinsyano si Ms. Charo Santos-Concio at ibinalita ito ni Sharon Cuneta sa Instagram at sabi pa, “Wow!!! Ma’am CHARO is joining our family!!! Isang babae ang magsisilbing liwanag sa kanilang madilim na daan.”
Kanya-kanya ng hula ang fans kung ano ang magiging role ni Ms. Charo, may nagsabing nanay siya ni Aurora, may humula namang nanay siya ni President Oscar. May naniwala namang ang karakter ni Charo ang magliligtas kay Mara.
Mali lang lahat ang hula dahil sa paglabas ng karakter ni Ms. Charo kagabi, June 17, makikilala siya bilang si Ramona. Si Ramona ay isang Katipunera na tutulong kay Cardo (Coco Martin) sa pagsi-seek ng kapayapaan.
Carmi, gustong pagsalitain si Tom
May mga tanong ang mga nakabasa sa pahayag ni Carla Abellana sa mga ginawa sa kanya ni Tom Rodriguez sa seven years nilang relasyon. Pinakamaraming tanong ay bakit pinaabot pa raw at ginusto pa rin ni Carla na sila’y ikasal gayung may mga nadiskubre na siyang ugali ni Tom?
Nakikita na raw ni Carla ang red flags sa relasyon nila ni Tom, sa pagkatao at ugali ni Tom na kanyang ibinunyag, pero bakit pumayag pa rin siyang sila’y magpakasal? Bakit daw kung kailan tapos na ang kasal, saka na-realize ni Carla na hindi si Tom ang right person para sa kanya?
Si Carla lang ang makakasagot sa mga katanungang ito, pero mukhang hindi na uli siya magsasalita, kaya hindi natin malalaman ang mga sagot. Dahil may gag order si Tom, hindi siya puwedeng magsalita at hindi natin maririnig ang side niya.
Kaya si Carmi Martin, na naawa kay Tom, nag-comment ng “Sana mabigyan naman ng chance si Tom. I’m sure mahal na mahal nya si Carla. To err is human.”