Naku Salve ha, affected na talaga ako ng edad ko, hah hah hah.
Bigla kong nalimutan na tapusin mga text ko dahil sa panonood ng Koreanovela at kundi ko pa nakita text mo na nagtatanong kung bakit dalawang item lang ang ipinadala ko para sa IG at column ko, hindi ko maalala.
Wow, kailangan ko na talaga ng memory pills, dahil nagiging malilimutin na ako, plus ang gulo ng attention ko, grabe.
Tinatapos ko iyon Bravo na isang Korean series at nalilimutan ko na ang iba pang ginagawa ko. Lagi kasi na after watching, diretso na ako sa afternoon nap, hah hah.
Talagang iba na ang 75 years old, iba na ang body clock, iba na rin ang pakiramdam ng mga muscle. Kaloka.
Mga batang bully sa palabas, parang totohanan
Ewan ko pero medyo affected ako pag nanonood ako ng mga show kung saan ipinapakita kung gaano puwedeng maging bully ang isang bata.
Parang hindi ako makapaniwala na magagawa ng isang bata na maging ganun ka-cruel sa salita o gawa.
Para bang paanong ang isang innocent child ay nagkaroon ng malisya isang bagay.
Kaya kung minsan para bang hindi totoo ang nangyayari dahil parang paano gagawin ng isang bata iyan.
Pero sabi nga, truth is sometimes stranger than fiction, kaya hindi mo man tanggapin talagang nangyayari sa tunay na buhay. Lalo pa nga at mahusay iyon child actor/actress talagang madadala ka sa pinapanood mo na animo’y totoong totoo.
No wonder na kadalasan iyon mga drama story nilalagyan ng mga young star dahil nga pag bata mas madali makuha ang loob ng viewers.
Like ngayon na parang para maiba mga storyline dapat ibahin na mga anggulo.