Ana at Kit, ‘di na malilimutan sa bugbugan

‘Pag lumalabas ‘yung photo ni Ana Jalandoni na may black eye, panay galos ang mukha dahil binugbog ni Kit Thompson, parang nakakadiri.

Hindi mo ma-imagine na may ganitong relasyon na makakaya kang saktan physically ng isang lalaki tapos sasabihing mahal ka.

At hindi ko rin maintindihan kung bakit pumapayag ang isang babae na masaktan tulad ng nangyari kay Ana. Makukuha mo pa bang igalang ang mga lalaki na tulad ni Kit na grabeng manakit ng babae?

At kung ikaw si Ana, kaya mo pa bang mahalin sarili mo na hinayaan mo na masaktan ka ng ganyan?

Basta ganyang klase ng relasyon, toxic at malas kaya dapat iwasan.

Papasok ka ng showbiz tapos balita sa inyo ‘yung bugbugan ninyo, para bang gusto n’yo lang na pag-usapan ng buong bayan kaya kayo nag-showbiz.

Cooking show nina Pat-P at Sandy, madaling intindihin 

Mukhang dumarami ang show sa Net 25. Dagdag na naman ang cooking show nina Pat-P Daza at Sandy Daza na Lutong Daza every Saturday. Walang puwedeng tumalo sa cooking kay Sandy Daza dahil mula pa noon kilala na ang pagluluto nito, idagdag mo ang masayang presence ni Pat-P kaya tiyak na naiiba ang cooking show na Lutong Daza.

Magandang panoorin dahil simpleng magpaliwanag sa procedures si Sandy at Pat-P kaya madaling matutuhan ang mga ipi-feature nilang pagkain.

Show comments