Cesar at Diego, gaganap na mag-amang Marcos!
Magsasama sa pelikula ang mag-amang Cesar Montano at Diego Loyzaga dahil sila ang napiling gumanap na Ferdinand E. Marcos Sr., at Bongbong Marcos sa Viva Films movie na Maid in Malacañang sa direction ni Darryl Yap. Tama ba kaming first time magsasama sa pelikula ang mag-ama? Mabuti na lang at ayos na sila at may koneksyon na uli.
May mga nag-iingay, hindi sila pabor kay Cesar para sa role ni the late former President Ferdinand Marcos, hindi raw nila ma-imagine. The same way na hindi rin nila ma-imagine na si Diego ang gaganap na Bongbong Marcos.
Kaya lang, may magagawa ba sila kung sila ang choice ni direk Darryl, ng Viva Films at ni Mr. Vic del Rosario? So, magiging nanay ni Diego si Ruffa Gutierrez na gaganap sa role ni former First Lady Imelda Marcos at personal choice nito si Ruffa.
Si Cristine Reyes naman ang gaganap sa role ni Sen. Imee Marcos.
Manilyn, ramdam si Direk Bert
Ngayong Sabado mapapanood ang first episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento na si Michael V. o Bitoy ang director at siya rin ang lead actor. New adventure ito sa original cast at ang location ay sa probinsya. Ipalililiwanag sa story kung bakit naiba muna ang location.
Sa ginanap na mediacon, naging emosyonal ang cast nang tanungin kung ano ang sitwasyon sa taping na hindi na wala si director Bert de Leon na pumanaw noong November 2021?
Sabi ni Manilyn Reynes, “Alam na alam mo kulang, like they said nga noh. Kasi nga kung saan nakaupo si Bitoy noong first-time na nag-read uli kami ng script, doon talaga si Direk Bert. Nararamdaman namin ‘yung absence niya at nararamdaman din namin ‘yung presence.”
Maureen at JK, hiwalay na rin
Break na rin pala sina Maureen Wroblewitz at Juan Karlos Labajo at maganda ang ginawang announcement ni Maureen na break na sila. Nag-post ng three butterflies at may nakasulat na “life is not happening to you life is happening for you” at sinundan ng “some things come to an end and that’s okay. But now it’s time for us to grow on our own.”
Sabi naman ni Juan Karlos, “I am the luckiest person in the world to have spent the past years of my life with you and I wouldn’t choose anybody else to have spend those years with. You’ve taught me so much and I have learned, I am learning, and I will learn more. We are both so young and we have to enjoy ourselves. I want to see you succeed. I love seeing you achieve your dreams. You will. We will. Here’s to growth and love for ourselves. For there is no greater love than self-love.”
Sumagot si Maureen sa post ni JK ng “@juankarlos thank you for everything!!!” na lalong ikinalungkot ng mga nagmamahal sa couple. Bakit kaya sila nag-break?
- Latest