^

Pang Movies

Sam, kayang gawin ang lahat-lahat para kay Catriona!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Sam, kayang gawin ang lahat-lahat para kay Catriona!

HOT item ngayon ang mga hiwalayan hindi lang sa showbiz dahil sa  extramarital and other kinds of affair kaya natanong si Sam Milby kung ano ang take niya about cheating?

Sa virtual media conference ng A Family Affair kung saan isa sa mga bida si Sam ay natanong siya kung ano sa tingin niya ang factors why people cheat?

“Siyempre every situation is different so it’s hard to generalize. Pwedeng may pagkukulang yung partner so hinahanap ‘yung pagkukulang sa partner sa ibang tao. Para sa akin, cheating is cheating. Kung may problema sa relasyon dapat pag-usapan n’yo,” mabilis niyang sagot.

Isa si Sam sa apat na leading man ni Ivana Alawi sa A Family Affair at it seems na meron siyang mga steamy scene dito.

Kinailangan ba niya itong i-discuss to Catriona (Gray) beforehand? Bilang hindi pa talaga siya umaarte sa TV or pelikula. Baka lang hindi niya naiintindihan ‘yung process?

“Yeah, hindi siya actress. Medyo kapapasok lang sa spotlight in that sense. We try to keep our relationship very private. The one thing with her is naiintindihan niya kahit hindi siya actress. We’ve had a few talks and she’s very very understanding and I think that’s hard to find. Obviously someone that’s not in the business that just having that understanding na ‘ito ang trabaho ko.’ And hindi siya selosa and just understanding, and the trust is there so I’m thankful that I have someone like that.”

At nang tanungin naman si Sam kung ano ang nagpapa-inspire sa kanya sa kasalukuyan bukod sa maayos na career sa kabila ng mga nangyayari sa paligid? “Of course, spending time with my loved ones, being with the woman that I love does inspired me obviously. Riding my motorcycle also gives me peace. And she’s being content and feeling blessed.”

How far would you go para sa taong mahal mo, tanong pa sa kanya?

“Well, kung tunay na pagmamahal, hanggang sa kamatayan. If you truly love somebody, you’ll do anything and everything to fight. Especially as a man, you should be even willing to give your life to the woman you love.”

Foreign artists, nakapila na sa Pinoy fans

Naaligaga na naman ang Pinoy K-drama fans sa pagdating sa bansa ni Kim Soo-hyun para sa fan meeting na magaganap ngayong June 10, Friday, sa Mall of Asia Arena.

Sa pagdating pa lang nito sa airport, kagulo na ang fans kaya tiyak na jampacked ngayong araw ang Mall of Asia.

Sumikat si Kim Soo-hyun sa K-drama series na My Love from the Star, It’s Okay to Not Be Okay, The Producers, at marami pang iba.

Dumating din kamakailan sa bansa ang Korean actor na si Sukku Son na recently ay trending sa Netflix dahil sa drama series niyang My Liberation Notes.

May pelikula siyang ipalalabas sa bansa pero walang binanggit sa post ang movie / tv producer na si Atty. Joji Alonso kung anong ginawa ng actor sa bansa.

Anyway, bukod sa mga Korean actor na darating at magko-concert sa Pilipinas, sunud-sunod na rin ang mga international singer na naka-schedule magtanghal.

Nakapila ang The Script, Boys Like Girls, Calum Scott, Justin Bieber, LANY, Avril Lavigne, Russ, Alanis Morissette, Westlife, All Time Low, The Maine, at may iba pa ata.

Hindi mura ang mga ticket sa nasabing concert pero ang chika soldout na ang tickets ng Westlife at Justin Bieber.

Sa local artist sina Anne Curtis na magaganap bukas ang comeback conert at sina Sharon Cuneta and Regine Velasquez ang nakatakdang mag-concert sa Resorts World Manila.

Talagang back to normal na ang lahat.

SAM MILBY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with