Hindi pa rin inaalis sa isang website ang blind item na paghihiwalay ng dalawang sikat na personalidad, kaya tuloy ang panghuhula ng fans at tuloy ang pagko-comment. Dahil nilinaw nang hindi sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang tinukoy sa blind item, nabaling kina Liza Soberano at Enrique Gil ang blind item.
Kaya lang, mabilis na binasag ng reliable source na close sa dalawa ang isyu. Naiparating kay Ogie Diaz na former manager ni Liza at manager ni Enrique ang tungkol dito at itinanggi rin.
Hindi lang malinaw kung sino ang nagsalita, kung si Ogie ba o ‘yung source na nagsabing, “Fake news. Okay ang LizQuen, kausap ko lang si Hope last Saturday, yesterday si Quen.”
Kahit fake news, apektado ang fans nina Liza at Enrique sa balitang breakup ng dalawa at nakiusap na itigil ang pagpapalaganap sa fake issue tungkol sa favorite love team nila. Bakit ba kasi may mga taong gustong maghiwalay ang couple na hindi naman naghihiwalay?
Carmina, nagluluksa sa pagpanaw ng ama
Pumanaw na ang ama ni Carmina Villarroel na “Daddy Regy” ang tawag niya at sa Instagram ng aktres, nag-post ito ng old photo ng parents niya na parehong nakangiti. “Daddy Regy you’re reunited with Mommty Mench. Your one and only. Your first and last.”
May mensahe rin ang magkapatid na sina Mavy at Cassy Legaspi sa pumanaw nilang lolo. Sabi ni Cassy, “The strongest man I know. I love you forever Daddy Groovy.”
Nasa lock-in taping ng Apoy sa Langit si Zoren Legaspi, wala pa kaming nakitang post sa pagpanaw ng kanyang father-in-law. Ang natatandaan namin, nabanggit dati ni Carmina na nasa bahay nila ang dad niya.
Nagpahatid ng condolences ang maraming Kapuso stars sa pagpanaw ng ama ni Carmina at lolo nina Mavy at Cassy.
Miyembro ng Calista, umaarte na rin
Present sa presscon ng comedy show ng GTV na Tols ang members ng Calista, bilang suporta sa co-member nilang si Olive May na kasama sa cast. Pinalakpakan ng Calista si Olive nang ipakilala at sumagot sila ng “hindi” nang tanungin si Olive kundi ba nainggit ang ibang Calista members na may acting project na siya?
Nabanggit ni Olive na alam ng co-members niya sa Calista na noon pa, gusto niyang mag-artista at suportado siya ng mga ito. “Hindi ko naman iiwan ang Calista, member pa rin ako. Dream ko lang talaga ang umarte at nagpapasalamat ako sa opportunity. Overwhelmed ako na makasama ko si Ms. Rufa Mae Quinto. Very happy and honored din ako na makatrabaho ang iba pang cast,” sabi pa ni Olive May.
Lalo sigurong mao-overwhelm si Olive kapag natupad ang dream niyang maging leading man si Alden Richards.