Nasa ABS-CBN na pala ngayon ang former Kapuso child star na si Mona Louise Rey.
Makakasama si Mona sa teleserye na A Family Affair kung saan siya ang gaganap na younger version ng kanyang nakakatandang kapatid na si Ivana Alawi.
Nakilala si Mona noong ma-introduce ito sa GMA teleserye na Munting Heredera. Nasundan ito iba pang teleserye na Luna Blanca, Aso Ni San Roque, Magkano Ba Ang Pag-ibig?, Villa Quintana, Carmela, My BFF, Buena Familia, Hahamakin Ang Lahat, at Hindi Ko Kayang Iwan Ka.
Edad 17 years old na si Mona at apat na taon din siyang tumigil sa showbiz para pagtuunan ang kanyang pag-aaral.
Maraming bumilib noon kay Mona dahil sa edad na 10, sanay na itong mag-injection sa kanyang sarili ng insulin dahil sa sakit niyang diabetes. Pinakita pa noon ni Mona kung paano niya ini-inject ang sarili niya kapag nasa tamang oras na.
Kailangan daw niyang matutunan ito para hindi siya dependent sa kanyang ina at mga kapatid para sa gamot niya.
Kim, handa na uling magtrabaho
Thankful si Kim Domingo na muli siyang pinapirma ng kontrata sa ilalim naman ngayon ng Sparkle GMA Artist Center.
Nakasama si Kim sa Kapuso stars na nag-renew at pumirma for the first time with Sparkle noong nakaraang May 26.
Sey ni Kim na kahit na raw marami nang bagong artista ang GMA, hindi pa rin daw siya pinapabayaan simula noong maging exclusive talent siya ng network noong 2015. “Sobrang grateful ako. Naalala ko 2015 pa ako nag-sign. Artist Center pa noon, hindi pa Sparkle. Sobrang thankful ako sa opportunities and sobrang excited na rin ako sa mga plano pa nila para sa akin.”
Inamin ni Kim na nagdesisyon siyang huwag munang tumanggap ng trabaho noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic. Ngayon ay handa na ulit si Kim na magtrabaho. “Dumating ako sa point na medyo naglay-low ako sa showbiz lalo na nung pandemic. Nag-stop talaga ako, hindi kasi ako nagte-taping sa labas. Medyo may takot ako that time. Ngayon, ready na ready na ako. This year sabi ko eager na eager talaga ako mag-work,” sey pa niya.
Huling nagawang teleserye ni Kim ay Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko noong 2019 pa. Ngayon ay nakasama siya sa cast ng Start-Up Ph na bida sina Bea Alonzo at Alden Richards.