Ariel, ayaw magtrabaho ‘pag weekend

Sagrado kay Ariel Rivera ang weekend. Nagbabalik siya ngayon sa GMA Network para gawin ang coming afternoon series na The Fake Life.

Sa virtual mediacon ng series, may nag-suggest sa kay Ariel na ngayong balik-Kapuso na siya, puwede na rin siyang sumalang sa Kapuso Sunday variety show na All-Out Sundays.

“I don’t work on weekends. I spend weekends with my family ang myself,” rason ng singer-actor.

Huling ginawa ni Ariel sa GMA ang fantaserye na Mulawin Vs. Ravena at lumipat sa Kapamilya Network.

“I always love working in GMA I have friends here and I am truly blessed that I am back at GMA,” pahayag ni Ariel.

Makakasama ni Ariel sa The Fake Life sina Sid Lucero at Beauty Gonzalez na mapapanood sa June 6 kapalit ng Artikulo 247.

‘Some good things never last’                 

Kumpirmado nang hindi na si Ogie Diaz ang mana­ger ni Liza Soberano. Mismong si Ogie ang naglabas ng pahayag ng opisyal na pawawakas ng relasyon nila ni Liza as his talent simula sa May 31, 2022.

Tama ang reports na sa ilalim ng kumpanya ni James Reid magiging parte si Liza.

Target ni James na ma-penetrate ang Hollywood and of course, pangarap din ni Liza na makapasok sa Hollywood.

Ayon sa talent manager na si Manay Lolit Solis, nagawa nang Liza Soberano ni Ogie ang young actress kaya may premium na siya.

Eh hindi lang sa showbiz akma ang linya ng isang kanta na, “Some good things never last.”

Show comments