Talagang alam mo na merong farm si Mama Alice Eduardo dahil ‘pag nag-harvest, tambak na gulay ang ipadadala sa iyo. Talong, okra, mangga, sili at calamansi, grabe, saku-sakong gulay talaga.
Naisip ko tuloy kung gaano kalaki at karami ang farm ni Mama Alice at ganito karami ang ipinamimigay niyang gulay. Sure ako na sa dami ng friends niya, lahat ay may padala siya. Imagine mo na hindi naman niya ginagawang business ang mga tanim sa farm niya, ipinamimigay lang niya.
Masarap nga siguro ang feeling ‘pag hayun at nakikita mo ang mga bunga sa paligid mo, eh ang ganda ng puno ng calamansi ‘pag hitik sa bunga, ‘di bah! Kaya kahit na ang laki ng puhunan mo sa caretaker, sa pataba, sa seedlings, tapos panregalo lang lahat ng ani, talagang enjoy ka lang makita ang mga bunga.
Anyway, natatawa naman ako dahil talagang hindi ko ma-reconcile ang mga ipinadalang pagkain sa akin nung birthday ko nung Biyernes. May mga ulam kasi na nakasabay ng cakes, kaya akala ko ‘yung cake at ulam isang tao lang nagpadala, iyon pala iba.
Kaya dapat talaga ‘pag nagpadala ka, check mo rin dahil iyon na nga, minsan nagkakahalu-halo lalo na at hinatid lang ng courier o Grab/Lalamove etc.
Kung minsan kahiya dahil nag-thank you ka hindi pala iyon ang may padala baka isipin nagpaparinig ka lang, ‘di ba! Talagang ang dami ng mga munting problema sa buhay, buti na lang hindi malaki kundi lalo pa sigurong maiinis ka, hah hah hah.
Kaya dapat may traffic din ‘pag tatanggap ng regalo.