Hindi napigilan na magkuwento si Camille Prats sa ginawang pagnakaw ng halik sa kanya ng naging leading man niya sa isang teleserye.
Ayon sa Mars Pa More host, wala raw sa script ‘yung hahalikan siya sa lips at nag-rehearse pa raw sila ng eksena ng aktor. Hindi lang daw ma-gets ni Camille kung bakit siya gustong nakawan ng halik ng aktor na hindi na niya binanggit ang name. “Karamihan ng mga ginawa kong programa dati, lagi akong natatapat na siya ang leading man ko, kasi siguro dahil ako rin ang pinakapasensyosang naging katrabaho niya. I never complain, kahit mahirap siyang katrabaho,” sey ni Camille.
Ang eksena raw kasi ay mababaril siya at babagsak siya sa sahig. Hindi raw required na halikan siya, pero nag-attempt ang aktor.
Kuwento ni Camille: “Pagkaplakda, siyempre to the rescue si leading man. ‘Pag rescue, iyak-iyak, tinatawag ‘yung pangalan ko. Tapos nakaramdam ako, may dumampi sa labi ko na mga something. Siyempre nakapikit ka, nabaril, himatay. Sabi ko, ‘Ano ito? Bakit may dumidikit sa bibig ko?’ Pagdilat ko, siya! Hinahalikan pala ako!’ Hindi nakalagay sa script, wala sa blocking, nothing. Siyempre noong tumingin ako, tumayo na ako, sabi ko ‘Ano ba naman ito?’”
Nagpaliwanag naman daw ang aktor kung bakit niya ginawang halikan si Camille. “Sabi ko, ‘Wala naman sinabing ganiyan ‘yung gagawin mo.’ Tapos sabi sa akin, ‘Eh kasi ‘di ba namatay ka? So siyempre ima-mouth-to-mouth resuscitation ka,’ Inisip ko na lang na nalito na siya doon sa fact na umaarte sa totoong buhay. Kasi may gano’ng moment si aktor. Apparently he got confused that this is acting and this is real life. Nadala siya. Pero siyempre on my end, siyempre dumadampi ‘yung labi mo sa akin, na hindi ako handa!” sabay tawa na lang ni Camille sa mapagsamantalang leading man.
Jake, pinayuhan nina Janice at John sa relasyon kay Inah
Ang tagal na rin ng relasyon ng Kapuso stars na sina Jake Vargas at Inah de Belen. Nagsimula pa ang relasyon nila noong magtambal sila sa GMA teleserye na Oh, My Mama noong 2016.
Kelan lang ay nasabi ni Jake na nagkaroon siya ng heart-to-heart talk sa mga magulang ni Inah na sina Janice de Belen at John Estrada. Nagbigay pa raw ng payo ang dalawa para sa kanila ni Inah. “Ang sabi niya sa akin, huwag kaming magmadali, darating naman din ang time na ‘yun. Ang maganda raw, i-enjoy muna namin ‘yung meron kami ngayon. Stay in love, stay happy lang lagi. Okay naman si Daddy John. Okay siya kausap, sobrang, alam mo ‘yung hindi ka maiilang eh. Parang tatay mo na rin siya kapag pinapayuhan ka.”
Nagbabalik nga si Jake sa ka-loveteam niya at ex-girlfriend na si Bea Binene after seven years sa teleserye na The Fake Life. Gaganap silang batang Sid Lucero at Beauty Gonzalez.
Sumikat noon ang loveteam na JaBea sa teen series na Reel Love Presents Tween Hearts noong 2010. Nakagawa ng ilang teleserye ang JaBea loveteam at huli silang nagtambal sa teleserye na Strawberry Lane noong 2015. Muling nabuhay ang JaBea fans at kinilig sila sa muling pagtatambal ng dalawa.
Dahil matagal na hindi nagkasama sa isang project, nagkailangan daw silang dalawa ni Bea.
Marvel actor na si Simu Liu, apat na beses ni-reject sa Crazy Rich Asians
Kinuwento ng Marvel actor na si Simu Liu ang kanyang naging frustration noong mag-audition siya para sa pelikulang Crazy Rich Asians noong 2017.
Ayon sa aktor, apat na beses siyang nag-audition pero apat na beses din siyang ni-reject. Nalaman niya through his agent na kahit na maayos daw ang pag-audition nito, hindi raw siya nakitaan ng x-factor ng studio executives. “It was just such a crushing blow for me. It felt like someone was telling me that I just wasn’t good enough. That I just wasn’t likable. I didn’t have that thing that made people want to watch it. It was at a time that was very difficult for me, I was trying to figure out whether I could be the lead character or whether I could only be a supporting character for my entire career.”
Pagkatapos ng ilang rejections, dumating din ang suwerte niya noong piliin siya ng Marvel Cinematic Universe na maging bida sa blockbuster na Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings na kumita ng $432.2 million worldwide noong pinalabas ito during the pandemic in 2021. “There had to be an element of confidence in what I was doing and self-assuredness. I had to trust I was talented and I was watchable and I was good,” sey pa ni Liu na mapapanood din sa mga pelikulang One True Loves, Hello Stranger, Arthur The King, Barbie at ang sequel ng Shang-Chi.