^

Pang Movies

Ate Vi, ‘di inaasa sa P.A. ang pagsagot  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Noong magi­sing kami kahapon, nagulat kami sa text ni Ate Vi (Vilma Santos), kung nagagalit daw ba kami sa kanya?

Ano naman ang dapat naming ikagalit kay Ate Vi. Nang tanungin namin siya kung bakit, iyon pala marami siyang text sa amin na hindi raw namin sinasagot.

Nangyari talaga iyan dahil ang daming text mula sa aming mga kaibigan nang malaman na may problema kami, at hindi na namin nabasang lahat. 

Natawa na lang si Ate Vi nang marinig ang a­ming dahilan.

Nag-alala lang naman daw siya dahil hindi nga kami sumasagot.

Si Ate Vi, sa lahat ng kilala naming artista, basta may gusto kaming malaman ay nagte-text lang kami at napakabilis niyang sumagot. Siya kasi mismo ang may hawak ng cellphone niya at hindi kung sino mang alalay.

Of course iyon ang private number niya. May number siya noon para sa kanyang local office sa Lipa, kung saan tumatawag ang mga tao, lalo na ang mga barangay official kung may kailangan.

Mayroon namang isa na ang may hawak ay ang kanyang chief of staff sa kongreso, bukod nga sa personal number niya. Pero lahat ng tumatawag sa kanya nabibigyan ng mabilis na assistance, kaya nga kung sabihin ngayon sa Batangas “nawalan sila ng Ate.”

Pero hindi naman daw mangyayari iyon dahil tinitiyak ni Ate Vi na maaari pa rin siyang tawagan at hingan ng tulong dahil nakaalalay pa rin siya kay ngayon  ay Congressman Ralph Recto.

Ang kuwento pa ni Ate Vi, may mga pelikula na raw na inialok sa kanya, at mayroong up for consideration. Pinag-aaralan lang daw niyang mabuti kung ano ang kanyang magiging comeback.

Ilang beses nang nag-comeback si Ate Vi, at tuwing magbabalik siya ay laging hit ang kanyang mga pelikula, sa sinehan pa.

Andrew E., biglang sikat ulit

Matagal nang tahimik si Andrew E., pero biglang naging usap-usapan ngayon, at ang expression niyang “amoy na amoy na ang landslide.” Alam naman ninyo sa Pilipinas, “everybody loves a winner.” Kung panalo ka sa trabaho mo, hahabulin ka nila. Kung napasama ka sa mga talunan, walang papansin sa iyo, kakantiyawan ka pa.

Palagay namin, dahil sa sitwasyon ngayon, kailangang samantalahin ni Andrew na magbalik sa recording at gumawa ng mga bagong kanta. Sa kanyang popularidad sa ngayon, magiging hit ang mga iyan.

Ang mga singer naman at rapper na talunan, kakalma muna iyan dahil tiyak iyon, ano man ang gawin nila ay magiging flop.

Ganyan naman ang kalakaran sa showbiz kahit na saan. Basta sinabing tagilid na ang popularidad mo o malas ka, wala nang mangyayari sa career mo. Maaaring makakuha ka ng trabaho kung ikaw ang producer din, kaso kikita ba? Ayaw ng Pinoy sa talunan.

Salamat Po sa Kamxan…

Gusto ko po palang pasalamatan ang mga namamahala sa Kamxan Taxi. Nahulog ang aming wallet sa loob ng kanilang taxi. Naroroon ang lahat ng aming ID at ATM cards. Nakuha iyon ng kanilang car wash boy, at naisauli sa amin nang walang bawas pati ang pera.

Tinawagan kami ng kanilang dispatcher na si Genber Aragon para makuha namin iyon.

Salamat at may mga mabubuting tao na gaya ninyo. Ang Kamxan ang isang mapagtitiwalaang kumpanya ng taxi.

VILMA SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with