Hindi ikinakaila ng 20-year-old Filipino-Korean sexy star ng pelikulang Pusoy ng Viva na si Angeli Khang na siya at ang kanyang elder brother na si Ace Khang ay parehong battered children ng kanilang abusive Korean businessman father who runs his own construction business in Saipan na isang US territory.
Ang mga magulang ni Angeli who is Agnes Khang in real life ay nagkahiwalay nung siya’y six years old pa lamang. After the separation ay bitbit silang magkapatid ng kanilang ina sa Pilipinas at naiwan sa Saipan ang kanilang ama. Pero gumawa ng paraan ang ama na makabalik ng Saipan ang dalawang bata na hindi kasama ang kanilang ina at ito’y may kinalaman sa kanilang citizenship.
Walang kaalam-alam ang kanilang ina sa Pilipinas na sila’y sinasaktan ng kanilang ama. Pinagbawalan din silang gumamit ng cellphone at makipag-communicate sa kanilang ina liban sa e-mail. Kaya hindi makuhang magsumbong ng magkapatid sa tunay nilang sitwasyon at trato ng kanilang ama.
Nang tumungtong sa 19 ang nakatatandang kapatid ni Angeli, ito’y naglayas at humingi ng tulong sa dating Filipina secretary ng kanilang ama na makapag-raise ng perang gagamitin para siya’y makauwi ng Pilipinas. Hindi naisama ni Ace ang kapatid na si Angeli dahil menor de edad pa ito.
Pagdating ng Pilipinas ay ikinuwento lahat ni Ace sa kanilang ina ang ang kanilang pinagdaanan kaya agad gumawa ng paraan ang kanilang ina na mabawi si Angeli na dumaan sa trauma at depression.
Sumailalim si Angeli ng psychiatric treatment. Pinutol naman ng kanyang elder brother na si Ace ang pakikipag-communicate sa ama magmula nang siya’y maglayas nung siya’y 19.
Pero sa kabila ng ginawang pananakit ng Korean dad ni Angeli sa kanya ay nakuha pa rin niya itong patawarin at bukas ang kanilang komunikasyon hanggang ngayon.
Samantala, nagpapasalamat si Angeli sa Viva dahil sa patuloy nilang tiwala magmula nang kanyang gawin ang pelikulang Taya na dinirek ni Roman Perez, Jr. nung isang taon
Bukod sa Pusoy na showing on Vivamax sa darating na May 27, ang iba pa niyang upcoming movies include Virgin Forest na dinirek ni Brillante Mendoza, Girl Friday na pinamahalaan ni Joel Lamangan, ang Us x Her ni Raffy Francisco at ang Mother’s Keeper na isang series mula naman sa pamamahala ni Mac Alejandre.