^

Pang Movies

Ate Vi, imbyerna na sa isyu ng pulitika  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Ate Vi, imbyerna na sa isyu ng pulitika             

Para kay Ate Vi (Vilma Santos), panahon na para bumalik sa dati at kalimutan na ang anumang alitan na sanhi ng katatapos lang na eleksyon.

“It’s about time na mag-usap na tayo, get together again and work, tutal naman para ito sa bansa at mga kababayan natin. Tapos na ang eleksiyon, kalimutan na natin kung mayroon mang alitang nangyari sa atin. Habang umiiral ang sama ng loob hindi tayo makapagsisimula nang maayos na buhay,” pahayag ni Ate Vi.

May nagsasabing siguro nga madali iyong sabihin ni Ate Vi dahil hindi siya affected, pero papaano naman iyong apektado? “Hindi mo masasabing hindi kami affected, siguro nga dahil wala kaming nakalaban sa level namin dito sa Batangas, pero kung sinasabi nga nilang may dayaang nangyari, imposibleng makalibre kami. Hindi man apektado ang local votes, kung iyong national level may dayaan, we cannot claim that we won in an honest and free elections. May epekto rin sa amin, wala nga lang kaming kalaban kaya kami nanalo. It is also something that we have to look into. Pero sinabi naman ng PPCRV, an agency that is independent of government and run by the leaders of the church that upon study wala silang nakitang mali sa inilabas ng transparency server ng COMELEC, and they themselves believe that there was an honest election, ano pa ba ang masasabi namin?,” mahaba pa niyang sabi.

“I’m out of politics now. Ayoko nang makigulo, so tanungin na lang ako about show business, hindi na iyang ganyan,” patapos na pahayag ni Ate Vi.

John, may pinagmanahan

Sinasabi pala ni John Lapus na tanggap na niyang laos na siya bilang artista kaya siya tutok na ngayon sa pagdidirek.

Kung totoo iyon, mukhang mali ang paniniwala ni John. Marami pa ang natatawa sa kanyang jokes. Bukod doon, siya ang ko­medyanteng natatanggap din sa drama.

Iba ang training ni John, na siguro nga ay nagsimula pa sa kanyang lolo na siyang nauna sa mga talent search sa show niyang Eskwelahang Munti, si Ka Tino Lapus.

Tiyak na marami rin namang natutuhan si John sa kanyang yumaong ama, na isang magaling na writer sa pelikula, si Jojo Lapus.

Papaano mo namang masasabing malalaos agad si John kung ganoon?

Siguro nga wala lang siyang masyadong assignments ngayon dahil na rin sa limitasyon ng produksiyon dahil sa pandemya.

Siguro naapektuhan din siya ng pagkakasara ng ABS-CBN. Pero naniniwala kaming kung normal na ang lahat, babalik din sa dati ang sigla ng career ni John.

Female star, tambak ang utang sa mga alahera

Ang daming utang ng isang female star.

Lahat daw halos ng mga nagtitinda ng alahas na hulugan sa TV stations ay nautangan na niya, at ang masakit naibebenta rin niya ang mga kinuha niyang alahas kahit na ang mga iyon ay hindi pa niya nababayaran.

Mahirap ang masyadong feeling sosyal.

VILMA SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with