Mark, literal ang ginawang pagseseryoso  

Habang wala pang sisimulan na bagong teleserye si Mark Herras, panay ang asikaso niya sa kanyang asawang si Nicole Donesa at anak nilang si Baby Corky.

Sinusulit ni Mark ang bawat araw na kasama niya ang kanyang mag-ina. Para kapag may dumating na ang bagong trabaho, at least ay nabigay niya sa kanyang pamilya ang maraming quality time.

Aminado si Mark na mas naging seryoso na siya sa kanyang trabaho. Hindi na raw puwede ‘yung magtatrabaho dahil napipilitan siya. Nagtatrabaho siya dahil kailangan niya ito at mahal niya ang ginagawa niya.

“Siguro ‘yung pinaka-change na ginawa nila sa akin is literal talaga na maging pokus sa trabaho. Talagang pokus ako, like nag-lock-in taping ako ng ilang buwan at nalayo ako sa mag-ina ko. Sakripisyo iyon pero ginawa ko dahil sinabi ko nga na focus na ako sa trabaho ngayon.”

Masaya rin si Mark na ang kanyang pamilya ang nagsisilbi niyang inspirasyon ngayon upang mas ma­ging responsable sa lahat ng kanyang ginagawa. Dahil sa pagsusumikap ng aktor, nagsisimula na rin siyang magpatayo ng bagong bahay para sa kanyang pamilya.

“Dahil maganda ‘yung inspirasyon mo sa buhay, my wife and kay Corky, iba ‘yung ligaya, iba ‘yung saya na ibinibigay nila sa akin. ‘Yung pagiging inspirasyon nila for me sobrang malaking bagay, mas focus ako na ayusin lahat ng ginagawa ko,” pa sey ni Mark.

Filipino actors, pasok sa Netflix Series

Ilang Filipino actors ang kasama sa bagong umeereng Netflix series na Lincoln Lawyer na pinagbibidahan ng Mexican actor na si Manuel Garcia-Rulfo, kasama rin sina Neve Campbell at Christopher Gorham.

Isa sa veteran Fil-American actor na kasama sa naturang series ay si Reggie Lee na napanood na sa ilang malalaking Hollywood films tulad ng Tropic Thunder, Pirates of the Caribbean, The Dark Knight Rises and The Fast and The Furious. Sa TV, lumabas siya sa series na Prison Break, Persons Unknown at Grimm.

Sa Lincoln Lawyer, gaganap si Lee bilang isang inakusahan for human trafficking. “The struggles of Filipino Americans, trying to get here, do what they have to do in order to make a living, and try to make it. Not only just make a living, but try to make something of themselves so they can help their family. And there’s only one wrong turn that you can make, and suddenly everything tumbles down. I love that because it’s really human. So I was really happy. It was a question for me when I took this role because it was offered to me and I was like, ‘I don’t know.’ But then I was like, you know, if I can find the human aspect of it, I’d like to do it because it’s (producers) David Kelly and Ted Humphrey, and it was a wonderful experience.”

Ang dalawa pang Pinoy na kasama sa series ay sina Katrina Rosita at Jeff Francisco. Hinahanda rin ni Lee ang kanyang sarili sa pagiging producer ng TV series na Concepcion na co-produced with ABS-CBN.

World renowned celebrity chef, not guilty sa kasong indecent battery at sexual misconduct

Not guilty ang hatol sa world renowned celebrity chef na si Mario Batali sa kasong indecent battery and sexual misconduct. Noong 2017 sinampahan si Batali ng babaeng nagngangalang Natali Tene dahil sa ginawa raw nitong groping at forcible kissing sa isang restaurant sa Boston, Massachusetts.

Sa testimony ni Tene, pinuwersa raw siyang halikan ni Batali noong magpa-selfie siya rito sa Towne Stove and Spirits Restaurant. Hinawakan din daw ni Batali ang kanyang breasts at pinisil ang kanyang puwet without consent.

Noong masampahan ng kaso si Batali, binitawan niya ang lahat ng negosyo niyang restaurants pati na ang cooking shows niya sa Food Network at PBS.

Nag-apologize si Batali sa mga pangyayari at sana’y mapagkatiwalaan daw ulit siya ng maraming tao.

Ilan sa mga naging cooking shows ni Batali ay Molto Mario, Mediterranean Mario, Mario Eats Italy, Ciao America with Mario Batali, Mario, Iron Chef America and Spain... on the Road Again.

Show comments