Wow, Salve A., saludo kami kay Bongbong Marcos, na hindi pa man siya nakakaupo bilang Presidente, napili na kaagad niya si elected Vice President Sara Duterte-Carpio, para maging Secretary of Education ng kanyang Cabinet.
Ang ganda ng credentials nitong si Inday Sara tungkol sa kanyang educational background.
Isa siyang lawyer and the first ever youngest female to be elected Mayor of Davao City.
At higit sa lahat, maganda siya bukod sa mukhang mabait, kaya approachable, kahit ng mga kabataang estudyante.
Well, congrats and good luck, Atty. Sara.
Kathniel, iba ang fulfillment sa 2 Good
Iba raw ang fulfillment na bumabalot sa magka-loveteam, both sa screen at tunay na buhay, and we are referring, of course, kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, tuwing pinupuri raw ng kanilang director na si Mae Cruz-Alviar ang kanilang performance sa kanilang current team-up.
A romance comedy, mapi-feel daw tiyak ng nanonood ang kakaibang chemistry ng dalawa. Yes, dito sa 2 Good 2 Be True.
Kung sabagay, how long na nga ba naman silang magka-loveteam?
“Ten years,” both happily reveal.
Malapit nang ipalabas sa Netflix itong 2 Good 2 Be True.
Both nga pala sina Daniel at Kathryn are in their past mid-20s.
Ruffa, malungkot
Wonder, Salve A., how Ruffa G (for Gutierrez) feels dahil ‘di nga nanalo si Herbert “Bistek” Bautista.
Personal man din ang ginawa niyang pangangampanya para rito.
Tanong nga ng aktres na si Perla Bautista, na kilala si Ruffa G from way back: “May relasyon ba talaga ang dalawang iyan?”
Na sinagot ni Ruffa: “Kailangan bang may relasyon ang dalawa para magtulungan sila?”
Pakisagot, Salve A.
Jinggoy at JV, pasok sa senado
Meanwhile, happy both para sa half-siblings na sina JV Ejercito at Jinggoy Estrada, as they are both in the top 12 senatoriables, sa ongoing counting of votes.
The two, as we all know, are both the sons of former president Joseph Estrada.
Ang magkaiba ay ang kanilang ina.
Si JV ay anak ng dating magandang aktres na si Guia Gomez, who later became the mayor of San Juan City.
Ang ina ni Jinggoy ay ang magaling na mental health doctor, si Loi Ejercito.
Nearing his 60s na si Senator Jinggoy.
Fifty-two years old naman si JV.
Nag-turn exactly 85 naman si former president Erap on his birthday, last April 19.