Kaya pinatsugi… Ellen binunyag ang mga naging sakit SA breast implants!
Ah tinanggal na pala ni Ellen Adarna ang breast implants niya.
Nagkaroon daw kasi siya ng back pain at fatigue.
Yup, nakaranas daw siya ng “breast implant illness” sabi niya nang ipakita ang silicone na tinanggal sa kanyang boobs sa kanyang IG story.
“Goodbye breast implant illness. I can now breathe properly. Goodbye chronic back pain, fatigue, and brain fog,” aniya sa caption.
Maalalang inamin ni Ellen sa mga interview na fake ang boobs niya, years ago.
Naging asset niya niya ang nasabing boobs nang mag-showbiz siya.
Balota ni Ate Vi, pinagpiyestahan ng mga Marites, Robin natulungan ng online selling ni Mariel!
Wow first time palang bumoto ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano kahapon. “It was my FIRST TIME TO VOTE and I must say it felt quite patriotic. How I wish people would truly truly grasp the depth of importance a vote means.”
Maraming medyo nagulat, pero wala pang sagot si Gary sa mga nagtatanong sa kanyang post kung bakit first time niyang bumoto.
Nag-trending naman si outgoing Representative Vilma Santos.
Ito ay matapos kumalat ang kopya ng kanyang balota. At ang big reveal daw, nag-switch ito kay Presidentiable VP Leni Robredo dahil nakita ngang ang last name for president ang may black shade niya. Si VP Leni ang huling pangalan sa mga listahan ng mga kandidatong president.
Actually, hindi naman sinasadya ang nasabing ‘big reveal’ dahil nga ang fans na nasa paligid ng presinto niya sa Batangas ang nagkalat at talagang izinoom pa ang nasabing balota.
Wala atang folder na naka-cover sa balota ni Ate Vi bago niya ipasok sa vote counting machine (VCM) kaya napicturan ng fans.
Samantala, super trending din Robin Padilla.
Hulang-hula na mananalo siya, sa unofficial and partial results as of 9:00 p.m. kagabi, number 1 na siya, with 14 million votes.
Nakatulong kaya kay Robin ang pagiging online seller ng misis niyang si Mariel Rodriguez para mas maging maingay ang kandidatura ng actor na ayaw na ayaw noon mag-pulitika?
Samantala, hindi lang sa kampanya naging aktibo ang mga celebrity.
Maaga rin silang nagpuntahan sa kani-kanilang mga presinto para bumoto at saka mag-a-upload sa kanilang mga social account.
Pabonggahan ng anggulo sa kanilang daliring may indelible ink na patunay na bumoto sila.
Bawal ang selfie sa loob ng presinto kaya’t paglabas lang sila nakaka-pictorial.
Nauna sa pagpo-post ang mag-asawang Ogie Alcasid and Regine Velasquez, Jolina Magdangal and Mark Escueta, Kim Chiu, Angel Locsin, Jodi Sta. Maria, Kathryn Bernardo, Maris Racal, Liza Soberano, Jodi Sta. Maria, Jasmine Curtis, Anne Curtis (na spotted ng nakasabay niya sa pila), Bea Binene at marami pang iba.
- Latest