Sweet, nagmana sa ama

John Lapus.

Wow, Salve A., lalo kaming na-excite mapanood ang screen reunion ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, the sitcom, Jose and Maria’s Bonggang Villa, nang malaman naming si John “Sweet” Lapus ang magdidirek nito.

Magaling na komedyante kasi si Sweet. Bukod sa standout din siya as a host and writer.

Kung sabagay, hindi puwedeng isnabin talaga itong si Sweet, whose screen name Sweet ay galing sa karakter na kanyag ginagampanan sa sitcom sa Arriba! Arriba!

Father niya ang dating kilalang comedy writer na si Jojo Lapus.

At lalong huwag isnabin, graduate ng Journalism si Sweet sa UST.

At marami siyang ‘pinagdaanan,’ kumbaga, bago, wika nga, maging kung sino man siya ngayon.

Naging sitcom at talk show writer, while, from time to time, “umangkas” din siya bilang komedyante sa small and big screen.

Well, panoorin natin ang Jose and Maria’s Bonggang Villa na mapapanood na starting on May 14 sa GMA Network.

Bukod nga pala sa GMA at APT Entertainment, producer pa rin ng sitcom ang sariling produksyon nina Dingdong at Marian, Agosto Dos.

And why Agosto 2? Well, Dingdong’s birthday is August 2.

Mother Lily, ‘di nakakalimot sa Mother’s Day

Guess who ang isa thought of celebrating Mother’s Month in May?

Mother Lily Monteverde, that’s who. In honor daw of mothers, aniya.

Every May, Mother Lily makes or made a point to produce a film, well, for and in honor of mothers.

It always clicked at the box office.

Obvious daw kaya na-inspire ang GMA to produce Love You Stranger, topbilled by real-life couple Gabbi Garcia at Khalil Ramos.

But the production is presented with a kakaibang twist.

Kaya, mas lalong magandang panoorin dahil iba’t iba nga ang pamamaraan ng pagpaparamdam natin ng pagmamahal sa ating ina.

Ikaw, Salve A., how do you express your love and support for your mother?

Love You Stranger is written and directed by Irene Villamor.

Eleksyon na!

Wow, Monday, May 9, na ang eleksyon.

And somehow, may ideya na ako kung sinu-sino sa aking mga Senatoriable ang mananalo.

At least, nasa top three ang mananalo sa kanila. At am pretty sure they will, kumbaga, all deliver.

Pray ako kay Lord na all elected will really be an asset sa ating pamahalaan at sa ating mamamayan.

Nang happy tayong lahat.

 

 

Show comments